Saturday 9 November 2013

Movie Review: Sapi

A young TV news presenter and his producer cover a case of demonic possession, and end up bringing evil into their own homes.


Another master piece from the international acclaimed director Brillante Mendoza. We can now see how Brillante make a horror film. Hindi ka lang tinakot ng pelikulang ito kung hindi pinag isip ka pa at pinag reflect sa ating paligid. Napakaraming LAYERS ng pelikulang ito hindi lang ito tungkol sa isang tao sinapian ng masamang espiritu kung hindi sa mga tao din na animoy may sapi din ang pag uugali at pagkatao nakung iyong iisipin, sila pa ang mas nakakatakot. Mga pangyayari sa ating buhay na minsan parang sinasapian tayo sa paggawa ng bagay na hindi kanais nais.

Sa naging takbo ng pelikulang ito yung mga main character na sina Dennis, Merryl at Baron na hindi nasapian pero hindi mo aakalain na makakagawa ng isang bagay na mas malala pa sa isang taong sinapian sa ngalan ng nais nilang mapabuti ang antas ng kanilang trabaho sa isang TV station.

Marami ding mga patama ang pelikulang ito patungkol sa mga pangyayari sa likod ng camera sa mga TV station specifically sa news department. Kung anu ang ginagawa nila at kaya nilang gawin makabuo lang ng isang istorya. Pinakita ang difference ng isang no. 1 na TV Station at isang striving to be no.1 TV station. Yung character nga ni Ms. Raquel Villavicencio ay parang may sapi din ang character bilang isang rude lady executive. So malaking significance din yung mga animals na pinakita sa pelikulang ito on first part of the film is yung ahas na may patama pagbabalat kayo ng isang TV station, second is yung nasagasaang aso na nagpapahiwatig na pagsagasa ng mga reporter na iyon sa kabilang station and yung last is yung buwaya towards the end of the film na sinimbulo nito ang pagiging buwaya ng character ni Dennis.

The movie is not that bad at well executed ang mga horror scene na nalapatan ng maayos na special effects. The rainy season effects add moods to the tone of the movie. Another good screenplay from Henry Burgos. Ofcourse mahusay ang pagkakaganap  ng 3 bida na sina Meryl, Baron at Dennis same with the supporting artists especially Ruby Ruiz.

This is not your ordinary local horror film as it has an indie approach kaya naging kakaiba din ito na nalapatan ng makabuluhang element ang isang story about sapi.




My Verdict: 3.5/5





 

No comments:

Post a Comment