Tuesday, 12 November 2013

Movie Review: Bendor

An obscure 55-year old woman experiences life’s absurdities at the crossroad of her journey through old age. Blondie lives a contemplative daily life as a candle vendor around the periphery of Quaipo Church. On the side, she sells illegal pills of Cytotec, an abortifacient, serving desperate pregnant clients. The story covers 3 days in her outrageously unusual life. 



Ang pelikulang ito ay isang silip sa pamumuhay ng isang side street vendor sa Quiapo Manila na nagbebenta din ng ilegal na gamot na pamparegla. Isa sa mga kilalang produkto na talamak na binibenta sa gilid ng simbahan. Naipakita dito kung paano nagkikibit balikat ang mga awtoridad sa ganitong mga gawain. Huhulihin sila ng mga bagong upong hepe ng pulisya ngunit pagkatapos kainin ng nakagisnang sistema ay pakakawalan din ang mga ito. Isa sa mga tipikal na pangyayari sa ating bansa.

Pinakita rito ang tipikal na pamilya at suliranin ng isang pamilyang Pilipino na inilarawan sa buhay ni Vivian Belez. Isang ina na patuloy na kumakayod para sa kanyang mga anak na may sarili na rin mga pamilya. Maganda yung intention ng movie about dun sa main character na parang hinahabol na ng sarili niyang konsensya at gusto ng magbagong buhay. Simple lang yung atake ng pelikula at naipakita naman ang mensahe na gustong sabihin.

For the artists performance they all did well and justify their characters especially Ms. Vivian Velez na nagpakita ng natural na pagkatao ng main character. Evelyn Vargas is a good support here very natural. Funny yung precint scene, pagkahuli sa mga vendor kung paano sila magturuan at lumusot kahit huling huli na.  Then ok din yng pagpapakita nila kung paano ang kalakaran sa pagpapa abort.

I felt about sa ending ng film doon sa character ni Vivian na gusto na niyang magbago pero yung mga illegal na kalakaran sa paligid niya still ongoing at yung mga anak niya na gustuhin man niyang mapabuti ang buhay ngunit di pa rin nagbabago. Maganda yung message ng story about changing for the better but at the end of the day babalik ka pa rin sa yung nakagisnan na gawain anu paman ang consequence nito sa ibang tao at sa sarili mo para lang mabuhay and this is the reality of poverty.




My Verdict:  3/5 



Direk Ralston Jover @ premiere of Bendor

Casts Of Bendor @ premiere of Bendor





 

No comments:

Post a Comment