Tuesday, 8 July 2025

Bearwin Meily on his "YOU versus YOU" project

 

By Ronald Rafer

Hindi napigilan ni Bearwin Meily na mapaiyak nang makapanayam namin tungkol sa mga pinagdaanan niya sa buhay. Nakapanayam namin ang aktor- comedian sa Max's Roces para sa kanyang "YOU VERSUS YOU" project.

Si Bearwin ay kilalang comedian at madalas na kuning sidekick sa mga pelikula at sitcom mula late '90s hanggang noong early 2000s.

Kasama siya sa mga pelikula ni Robin Padilla tulad ng Tunay Na Tunay: Gets Mo? Gets Ko! (2000) at You and Me Against The World (2003).


Bahagi rin si Bearwin ng mga sitcom tulad ng Palibhasa Lalake at Bida Si Mister, Bida Si Misis.


Bumida rin siya sa pelikulang Hari Ng Sablay kasama si Rica Peralejo noong 2005. Iyon ang kasagsagan ng kanyang pagsikat bilang komedyante
Pero kalaunan, lumamlam ang karera niya sa showbiz.

"Year 2009 kumonti na yung project ko niyan," bungad ni Bearwin nang tanungin ng PEP kung kailan nagsimulang nag-lie low siya sa pag-arte.

"Kasi namatay yung daddy ko 2008, emphysema, kapareho ng kay Tito Dolphy," pagtukoy niya sa pumanaw na Comedy King.

Nang pumanaw ang ama, sunud-sunod daw na hamon sa buhay ang dinanas ni Bearwin.

Aniya, "Nawalan ako ng work, nabenta ko ang bahay at kotse namin, at nagkaroon kami ng different challenges sa family."

Aminado si Bearwin na hindi niya naalagaan noon ang mga kinita niyang pera sa pag-aartista.

"So anyway, those days and times na talagang iniisip ko rin na, 'Saan ako pupunta?'

"E, manginginom po ako. Lahat po ng bisyo tinitira ko. Wala akong disiplina sa katawan.

"Galing ako sa hirap. Nung nagkapera ako, lahat gusto kong tirahin. So ganun ho ka-worse," balik-tanaw pa ni Bearwin.


Wala na raw siyang ibang makapitan noon.

"So sabi ko, 'Lord, tulungan mo ako. Kung hindi maaga akong mamamahinga!'

"Then, iyon po yun, dun po nag-start lahat yun."

Ang sukdulan ng hirap na pinagdaanan ni Bearwin ang naging daan para raw mapalapit siyang muli sa Diyos.

"Iyon yun—yung 2012, I encountered Christ again. So nag-serve na ako nun sa CCF, Christ's Commission Fellowship, that’s our church now.

"So somehow, nakikita niyo na sa social media nagse-share ako, mga inspirational videos, so dun po iyon."

Sa puntong ito, hindi napigilang mapaiyak ni Bearwin habang inaalala ang hirap na pinagdaanan niya noon.

"Yung parang… kung kailan ka lumapit kay God, mas lalo ka niyang ginamit. Kung kailan ako nag-serve kay God ang daming challenges pang dumaan.

"So kung kailan ka sumuko, dun ka pa niya lalo gustong yakapin.

"So that’s the hard part. Iyon yun, yung mga time na yun," naluluhang pagbabahagi niya.

Fast-forward to present time, natutunan daw ni Bearwin na may mga bagay na mas mahalaga kaysa sa kasikatan at sa pera.

"Ah, yes! Career-wise, achievement-wise, nadaanan na po.

"Pero ngayon, yung bank account, hindi na po mahalaga sa akin yun. Yung kasikatan, hindi na po mahalaga sa akin.

"Makatawid na lang kami, to encourage others, to motivate others, to share kung gaano kabuti si Lord sa ating lahat. Hindi lang sa akin, sa ating lahat.

"Boundary na po ako."

Higit sampung taong "guesting-guesting na lang" daw si Bearwin sa larangan ng pag-arte.

"Hanggang nito na lang, nito na lang ako nakabalik ulit with NET25, with Quizon City..."

Kasabay ng pag-lie-low niya sa showbiz noon ay natuklusan naman ni Bearwin ang passion niya sa pagtakbo.

Nang pagbidahan daw niya ang Hari Ng Sablay noong 2005, iyon daw ang panahong umabot siya ng 210 pounds, na pinakamabigat niyang timbang.

"I started running, so hanggang sa malayuan na yung tinatakbo ko. So pumayat na po ako, it was 2009."

Sa ngayon ay higit-kumulang 180 pounds ang timbang ni Bearwin.

Paliwanag niya, malaking bagay ang disiplina at pagpapahalaga sa sarili na natutunan niya.

"Actually, yung weight hindi siya masyado, e. Kasi mas marami pang mas malalaki na pumayat talaga.

"But I think yung continuation, yung consistency, and yung testimony kung ano na talaga yung pinamumuhay mo."

Diin pa ni Bearwin, "Hindi kasi papayatan lang, e. Ang tanong, kung ano talaga yung kabuuan na nagbago sa iyo.”

Naging daan din daw ang pagtakbo niya para maibsan ang kalungkutan niya nang pumanaw ang ama noon.

"Isa po yun, isa po yun. So it’s a choice," ani Bearwin.

"Kasi ang dami ko na ring kaibigan… Well, nakasabay ko sila Tito Redford [White], nakasabay ko sila Carding [ReyCards Duet], marami!

"Nakasabay ko si Sammy Lagmay, at kung sinu-sino pang mga kilalang komedyante.

"Si Jodi Sta. Maria bata pa, sa Star Cinema kami."

Sa ngayon, si Bearwin ay abala sa pag-organisa ng thematic runs sa Pilipinas.

Siya ang head at race director ng You Versus You Run 2025, isang fun run na gaganapin sa July 20 sa Ayala Vermosa Sports Hub, Imus, Cavite.

Inorganisa ito ng 88 Sports PH, isang division ng 88 ACE Production Corp. Si Michael Maranan ang president and CEO ng 88 ACE.

Ang proceeds ng event ay ilalaan sa mga kabataan at sari-saring community development.

Ang fees para sa race ay PHP1,350 (3K), PHP1,450 (5K), PHP1,550 


No comments:

Post a Comment