By Archie Liao
MULI na namang magbubukas ang 37th PMPC Star Awards for Television sa Agosto 24, 2025, Linggo, sa isang sopistikadang hotel sa Quezon City.
Pararangalan ang mga mahuhusay at maniningnining na personalidad sa lokal na telebisyon.
Mapupuno ang gabi ng makukulay, tagos sa pusong tribute, at nakaka-inspire na mga kuwento ng dedikasyon.
Sinimulan ito ng PMPC Star Awards, isang samahan na binubuo ng multimedia practitioners. Maliban sa Star Awards for TV, nariyan din ang mga kapatid na Star Awards for Movies at Music.
Lima ang tatanggap ng Lifetime Honors, upang ipagbunyi ang dekada na nilang kontribusyon sa daigdig ng telebisyon sa Pilipinas.
Apat sa kanila ang pagkakalooban ng pinagpipitaganang Ading Fernando Lifetime Achievement Award -- ito ay sina Geleen Eugenio, Malou Choa Fagar, Caridad Sanchez, at Ariel Ureta.
GELEEN EUGENIO:
Ang Phillipine Dance Icon na si Geleen Eugenio ay nakilala sa kanyang kontribusyon sa paghataw sa sayaw at musika sa loob ng mahigit na apatnapung taon.
Nagsimula siya noong 1977, at hanggang sa kasalukuyan ay aktibo pa rin sa TV. Nakilala si Geleen bilang mahusay na choreographer ng mga sikat na artistang sina Vilma Santos, Nora Aunor, Maricel Soriano, Alma Moreno, hanggang kay Marian Rivera.
Bukod sa pagsasayaw, gumawa at gumagawa rin siya ng acting projects gaya ng “Lolong” (2025); “Magpakailanman” (2017-2025); “Daig Kayo Ng Lola Ko (2024; “Sparkle U” (2023-2024); “Tadhana” (2018-2019) at marami pang iba.
MALOU CHOA FAGAR:
Sino nga ba ang hindi makakikilala sa naging puwersa ng kasikatan at pamamayagpag sa ere nang ilang dekada ng “Eat Bulaga” ng Dabarkads nina Tito, Vice, and Joey?
Dating SVP and COO ng TAPE.
Si Malou ay beterana at respetadong television producer at production manager. COO at maliban sa “Ea Bulaga” na ilang taon niyang hinawakan ang “Kaibigan,” “Mansyon,” “Prinsesa,” “Pagpapatawad, Kapatid” na pawang ginawa bilang tele-movie.
Naging Board Member rin siya ng MTRCB nang isang taon, at naging CEO at President ng Television and Production Exponents (TAPE). Isa rin siyang professional talent manager ng ilang malalaking artista.
CARIDAD SANCHEZ:
Ang maari nang ikunsidera bilang isa sa pinakamatatandang aktres sa bansa ay si Caridad Yuson Sanchez-Babao na isinilang noong 1930’s sa Mandaue City, Cebu City.
Naging aktibo na sa showbiz ang premyadong aktres mula noong 1958. Noong 1977, ginampanan niya ang iconic role ni Nanay Idad sa revival TV drama series (mula sa matagumpay na radio soap opera) na iconic na “Gulong Ng Palad” na minahal ng masang Pilipino.
Ilan pa sa mga nagawa niyang TV shows ang “Noli Me Tangere” (1993); “Kate En Boogie” ( 1993-1994; “Bayani” (1995- 2000); “Calvento Files” (1996-1998); “The Borrowed Wife” (2014) at marami pang iba. Isa rin siyang legend pagdating sa pag-arte sa pelikula.
ARIEL URETA:
Si Ariel Ureta (Juan Ariel Munoz Ureta) ay isang komedyante, actor, at TV host par excellance. Pagdating sa pagho-host, maging talk show man ito o beauty pageants, isa siya sa pinakamahuhusay at pinakarespetado.
Nakilala siya as co-host siya ni Tina Revilla sa variety show na “Noontime Matinee” sa GMA 7 na kalaunan ay naging “Ariel Con Tina” sa BBC-2 (na ngayon ay ABS-CBN), ganoon rin sa “Patok Na Patok” mula 1975-1977 ng MBN4 (now PTV 4).
Naging host din si Ariel ng musical variety program na “RSVP” sa Kapuso Network mula 1991-1995, kasama si Dawn Zulueta.
Lumabas din siya bilang host ng “12 O” Cock High” (1972), “Two For The Road” (1972); “Ariel and Co After Six” (1974-1978); “Vilma On 7” (1991); “Ober Da Bakod” (as actor and director from 1993-1996); “Umagang Kay Ganda” (2012-2020), at iba pa.
ANGELIQUE LAZO
Karagdagan sa apat na mga haligi ng telebisyon ay ang pagkilala rin ng PMPC Star Awards sa male and female newscasters.
Kinikilala ng PMPC si Angelique Lazo bilang Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Awardee. Maituturing na ring beterana pagdating sa pamamahayag si Angelique, na nagsimula sa “TV Patrol” noong 1987.
Isang nirerespeto sa kanyang integridad sa pagbabalita, propesyunalismo, at dedikasyon sa mahigit tatlumpung taon. Ang kanyang sinumpaan sa tunay na pagbabalita ay nagsisilbing inspirasyon sa lahat.
Ang 37th Star Awards for Television ay mula sa pamumuno ni PMPC President Mell Navarro at Over-all Chairman na si Fernan De Guzman.
Ito ay isang gabi ng selebrasyon ng pagkilala sa mga talento ng mga institusyon na sa TV, kaya binabati natin ang limang honorees sa kanilang mga natatanging parangal, na karapat-dapat na ipagkaloob sa kanila, noon pa man.
Nagsimulang igawad noong 2005, ang ibang pang binigyan ng Excellence In Broadcasting Lifetime Achievement Award ng PMPC Star Awards for Television ay sina Bong Lapira, Harry Gasser, Sen. Loren Legarda, Che-Che Lazaro, Noli De Castro, Mel Tiangco, Jessica Soho, Mike Enriquez, Maria Ressa, Tina Monzon-Palma, Luchi Cruz-Valdez, Rey Langit, Martin Andanar, Arnold Clavio, Vicky Morales, Korina Sanchez, at Julius Babao.
No comments:
Post a Comment