Wednesday 18 October 2017

Ken Chan plays a romantic lead in his launching movie, takes a breather from gay roles



By Archie Liao


Happy ang Kapuso actor na si Ken Chan na nabigyan siya ng pagkakataong maging romantic lead sa pelikulang “This Time I’ll Be Sweeter” ng Regal Entertainment. 
“Bata pa lang ako, gusto ko na ng mga romantic love stories na gawin. Kasi ito iyong tipong gusto at nakaka-relate ang mga millenials,” aniya. 

Ayon pa kay Ken, naniniwala siyang nakatulong ang kanyang exposure sa “Meant to Be” para mapansin siya at mabigyan ng break sa nasabing romantic drama ni Direk Joel Lamangan. 

“ Sa palagay ko, nakita nila iyong potensyal ng tambalan namin ni Barbie kaya thankful po ako dahil kahit papaano po ay napansin,” hirit niya. Dagdag pa ni Ken, breather din daw ang kanyang role para makawala siya sa mga beki roles tulad ng kanyang role sa “Destiny Rose” kung saan nagmarka ang kanyang pagganap bilang isang transwoman. 

“Mahirap po kasi siyang gawin. Physically draining at emotionally exhausting saka masyadong madugo ang preparasyon pati na sa internalization, lalo na kung masyado kang na-attached sa iyong role. After that, I had to consult a psychiatrist para lang matanggal siya sa sistema ko, para ma-detach ako sa role ko as Destiny,” pagbabalik-tanaw niya. 

Gayunpaman, hindi raw niya isinasara ang kanyang pinto sa pagganap sa mga gay roles sa hinaharap. “Gusto ko lang magpahinga muna sa ganoong klaseng roles. Marami pa naman akong roles na puwede pang gampanan,” paglilinaw niya.





Ibang klaseng Ken ang mapapanood sa “This Time I’ll Be Sweeter” bilang Tristan, isang campus crush na iniwan at pinaasa ang kanyang kaibigang si Erika (ginagampanan ni Barbie) na siyang dahilan para masawi ang huli sa pag-ibig. 

Kuwento ni Ken, nakaka-relate raw daw siya sa kanyang role dahil naranasan niya ito sa tunay na buhay. 

“Nakaka-relate ako hindi lang sa karakter ko kundi sa karakter ni Barbie. Naranasan ko rin kasi ang maging pa-fall at iyong humo-hopia. So, naranasan ko, both sides kaya nakaka-relate ako sa mga characters namin,” esplika niya. 

Bulalas pa ni Ken, si Barbie raw ang isa sa mga closest friends niya sa showbiz. 

“Masyadong malalim na ang pinagsamahan namin ni Barbie. Siya iyong friend ko na puwede akong maging open at mag-confide dahil kilala na namin ang isa’t-isa,” ani Ken. 

Hindi naman ikinaila ni Ken na kahit attracted siya kay Barbie ay hindi niya nagawang ligawan ito. “Hindi naman mahirap mahalin si Barbie. Sa totoo lang, siya iyong tipo ng babae na talagang madaling ma-in lab kahit sino. Maalaga at mabait kasi siya sa kanyang mga leading men,” aniya. “Pagdating naman kasi sa showbiz, iba iyong personal at iba rin iyong showbiz. Ang mga katrabaho ko kasi gusto ko laging ka-close. Kasi pag hinaluan mo ng personal, baka masira iyong relasyon ninyo . So, kung maggi-girlfriend man ako, outside of showbiz,” dugtong niya. 

Mas preferred din ni Ken na hanggang friendship lang ang relasyon nila ni Barbie as long na masaya ito at lalo na’t may special someone na rin ito. “Pag pinasok mo kasi ang isang relasyon. Kunwari, mag-on kayo o naging to the next level ang inyong relasyon. Once na mag-away kayo, after that, malaki ang posibilidad na bumagsak o pagkatapos, hindi na kayo magkakilala o hindi na kayo nagpapansinan. Pero kapag mag-friends kayo, laging nandiyan lang siya sa iyo and I think, naroon ang ‘forever’, “ pagwawakas niya. 

Masaya rin si Ken dahil nag-uumapaw ang suporta ng Kenbie fans sa kanilang first movie team up ni Barbie (Forteza) sa big screen. 




Mula sa Regal Entertainment at sa direksyon ni Joel Lamangan, kasama rin sa cast ng “This Time I’ll be Sweeter” sina Thea Tolentino, Kim Rodriguez, Ara Mina, Rey Abellana, Neil Ryan Sese, Hiro Peralta, Akihiro Blanco, Jai Agpangan, Kaki Ramirez, Fiona Young, Jon Leo at marami pang iba na mapapanood na sa buong bansa simula sa Nobyembre 8.








No comments:

Post a Comment