Tuesday 31 October 2017

Giancarlo Abrahan says “Paki” is an appeal for caring


 By Archie Liao

Protégé si Direk Giancarlo Abrahan ng acclaimed director na si Hannah Espia na siyang nagdirehe ng “Transit” na naging pambato ng bansa sa 86th Academy awards sa kategoryang best foreign language film. Siya rin ang naging co-writer ni Hannah sa “Transit” at ni Whammy Alcazaren sa “Islands”. 

Sa kanyang first directorial effort na “Dagitab” na naging kalahok sa 2014 Cinemalaya ay kinakitaan na agad siya ng potensyal. Ito rin ang nagpanalo kina Eula Valdes (best actress award) at Martin del Rosario (best supporting award) ng kauna-unahan nilang Urian awards. 

Bukod sa nanalo ng best director sa 10th Cinemalaya, tinanghal din itong best first feature para kay Abrahan sa 2015 Young Critics Circle awards. 

Ngayong taon, nagbabalik si Giancarlo sa kanyang unang Cinemaone Originals entry na “Paki”. "Sa panahon kasi ngayon na busy ang lahat kung paano patatakbuhan ang kanilang buhay, minsan may mga bagay at maging mga tao tayong nati-take for granted. “Paki” is actually an appeal for caring. It reminds us that that for kindness and care to be given, it must be asked for or even demanded, especially kung hindi natin siya matagpuan sa ating pamilya,” sey niya. Kakaiba at walang takot din ang premise ng kanyang kuwento.

“Tungkol siya sa journey ng isang matandang babae na gustong takasan iyong kanyang situwasyon. Isang matriarch siya na gustong hiwalayan ang kanyang asawa na isang womanizer after more than 60 years of marriage dahil hindi na siya masaya pero kontra ang kanyang mga anak. Ang naging dilemma niya ay kung isasaalang-alang ba niya ang sasabihin ng kanyang pamilya o she will go against the system in pursuit of her own happiness. Dito, we want to present the inner workings of the mind of a senior citizen who could be your mother or your grandma na nai-stuck sa akala niya ay ‘no way out’ na situation . It also aims to reveal the multiplicity and complexity of an entire family,” paliwanag niya.












Proud din siya na naitawid ng veteran actress na si Dexter Doria sa kanyang first lead role ang role ng isang 80 anyos na babae na may problema sa kanyang asawa at mga anak sa pelikula. “Tita Dex is a revelation in this movie. She’s such an amazing actress. She’s ably supported by Eula Valdes, my actress in “Dagitab” and Shamaine Buencamino who play her daughters in “Paki”. Then, there’s Ricky Davao, Paulo Paraiso and Noel Trinidad, kaya overwhelmed siya sa suporta nila,” pagtatapos niya.


Ang “Paki” ay opisyal na kalahok sa 13th Cinemaone Originals na mapapanood sa Trinoma, Glorietta, Gateway, UP Cine Adarna, Cinema ’76 at Cinematheque Manila theatres mula Nobyembre 13-21 at sa Power Plant Mall mula Nobyembre 22-28.


No comments:

Post a Comment