Saturday, 21 October 2017

Allen Dizon and Angellie Nicole Sanoy score acting triumph at the 33rd Warsaw International Filmfest

                                


By Archie Liao

Wagi ang multi-award winning actor na si Allen Dizon at ang dating child actress na si Angelline Nicole Sanoy ng Special Jury Award for acting para sa pelikulang “Bomba” (The Bomb) ni Ralston Jover sa katatapos na 33rd Warsaw International Film Festival na ginanap sa Poland kamakailan.

Ayon kay Allen, ito ang pinakamahirap na nagampanan niyang role bilang isang deaf-mute na may taboo relationship sa isang batang babaeng kanyang inampon.

Nagpapasalamat si Allen sa kanyang manager na si Dennis Evangelista at sa mga producers ng pelikula tulad nina Romel Lindain at Kate Brios dahil sa suportang ibinigay nila sa pelikula.

Sa parte naman ni Angelline, happy siya na pagkatapos ng ilang taong pamamahinga sa showbiz ay napansin agad ang kanyang acting sa kanyang pagbabalik. (Si Angellie ang dating child actress na nagbida sa GMA-7 fantaserye na “Magic Palayok”).

Sa best actor award, tinalbugan ni Allen ang Spanish-Mexican actor na si Gael Garcia Bernal at ilan pang festival favorites.

Sa acting categories, tinalo nina Dizon at Sanoy ang mga katunggali nila sa mga pelikulang  “Noir” ni Sweden , “Be Prepared”  at “Once Upon a Time in November” ng Poland, “If You Saw His Heart” ng France, “The Miner”ng Croatia, “Boarding Pass”ng Iran , “Of Skin and Men”ng Tunisia, "Sideway” ng Greece at Turkey, “Beyond Words” ng Netherlands, “Empty Saddle Syndrome”ng Russia , "The Anniversary”ng Romania , The Confession” ng Estonia  at “To Kill a Watermelon” ng China.

Ang Special Jury Prize ay ikalawa sa pinakamataas na karangalan na ipinagkakaloob sa Warzaw filmfest kasunod sa Grand Prix na nakuha ng “To Kill a Watermelon” ng China.

Ang Warsaw International Film Festival ay isang A-list film festival na suportado ng International Federation of Film Producers Associations na kaliga ng Cannes, Venice, Berlin, Locarno, San Sebastian, Karlovy Vary, Tokyo, Moscow, Mar de Plata, Montreal , Shanghai, Cairo, Goa at Tallinn.
Iprinudyus ng ATD Entertainment Productions sa pakikipagtulungan ng Heaven’s Best Entertainment at Crowning Glory Movie Equipment Services, ang “Bomba’ (The Bomb) ay kuwento ito ng isang pipi na may kakaibang relasyon sa isang 16-anyos na babae na ginagampanan ni  Angellie Nichole Sanoy.
Itinuturing na lalakeng Nora Aunor sa paramihan ng awards, marami ang pumuri sa subtle performance ni Allen sa nasabing obra ni Ralston Rover na nakilala sa mga pelikulang  “Bakal Boys”, “Bendor”, “Hiblang Abo”, “Da Dog Show” at “Hamog”.

Kabi-kabila rin ang ginagawang pelikula ni Allen mula sa mga master directors tulad ng “Right to Kill” ni Brillante Mendoza, “Palawan” ni Aureaus Solito at “Persons of Interest” ni Ralston Jover.




No comments:

Post a Comment