Saturday, 21 October 2017

Jerald Napoles and Fe Hyde In QCinema 2017



By Archie Liao


Jerald Napoles gets his biggest break in “The Write Moment”


Happy ang magaling na comedian at TV, movie at stage actor na si Jerald Napoles na pagkatapos ng mahabang paghihintay ay nabigyan siya ng pagkakataong magbida sa malaking telon sa pelikulang “The Write Moment” ni Dominic Lim na iprinudyus ng Idea First Company at Quezon City Film Development Foundation at kalahok sa Circle Competition ng 2017 QCinema International Filmfest.
“I feel blessed kasi it’s not conventional for them to give me this project at pagkatiwalaan. It’s such an honor and a blessing as well,” aniya. Ayon pa kay Jerald, nakaka-relate siya sa role ni Dave bilang isang writer na nahihirapang makapag-move on sa hiwalayan nila ng kanyang girlfriend na si Joyce na ginagampanan ng kanyang kaibigan at Sunday Pinasaya co-host na si Valeen Montenegro.

“I’m openly romantic. Vulnerable rin ako pagdating sa love, love,” sey niya. Nagustuhan din niya ang kakaibang concept ng pelikula na punung-puno rin ng hugot na hindi naman kailangang gampanan ng isang matinee idol na pang-romantic lead. “It’s the idea of an underdog guy sa isang film and then iyong journey niya of getting over a heartbreak. Mas tao lang siguro siya kung ako, except for someone who’s very gorgeous,” paliwanag niya. Intensyon lang daw ng pelikula na maglahad ng kuwento at hindi magpakilig bagamat hindi rin maiiwasan ito kapag natatalakay na ang ganitong tema sa pelikula.

“The comedy is in the script. I don’t have to play for laughs. I have to play for truth and the truth is funny,” makahulugan niyang pahayag. Inamin din ni Jerald na siya man ay dumanas na ng heartbreak pagdating sa pag-ibig. “Lahat naman tayo, nakaranas niyan. Sa akin, nag-live-in kami ng aking ex French girlfriend for two years and that’s my major heartbreak, in terms of romance,” kuwento niya. Hindi raw irreconcilable differences ang naging dahilan ng kanilang breakup. “Wala lang. It’s just that we have a problem in keeping the relationship and she had to return to her country,” hirit niya. “Usually, nangyayari talaga siya kahit kaninong couple. Usually mga 7 to 10 years nga, kahit na mag-asawa nagkakaroon pa rin ng falling out. Nagkakaroon ng ‘sawa’ factor. Naghihiwalay ng walang dahilan,” dugtong niya.

Naging proseso rin daw para sa kanya ang pag-move on pagkatapos ng heartbreak. “Ang ‘moving on’ kasi, hindi siya ginagawa. Nangyayari lang siya. You have to get through everything: the sadness, the depression, the bargaining, the anger , everything and then you move on. It’s not alphabetically step by step,” esplika niya. Tulad ng kanyang character, naniniwala si Jerald na puwede niyang maging kaibigan ang kanyang ex. “Yes. Pero, not totally just like before noong kayo pa or even closer after. Usually hindi na siya tulad ng dati,” ani Jerald.

Dahil marami nang natutunan sa pakikipagrelasyon, nagbigay din siya ng payo kung paano mapapanatili ang isang romansa.
“You talk about it and decide on how you gonna do things. Gumawa kayo ng mga bagay na kayong dalawa lang. Dapat, innovative ka rin on how to continue to see the good side sa partner mo and help each other grow,” pagwawakas niya.
Bukod kay Valeen, kasama rin sa cast ng “The Write Moment” sina Dennis Padilla, Cherry Malvar, Nor Domingo at marami pang iba.




Urian awardee Fe Hyde, a filmmaker in search of truth in "Dapol Tan Pawayar na Tayug 1931"


Nakaka-relate ang award-winning actress na si Fe Gingging Hyde sa kanyang role sa pelikulang "Dapol Tan Pawayar na Tayug 1931" (The Ashes and Ghosts of Tayug Uprising 1931) na kalahok sa 2017 Quezon City International Film Festival.
“Filmmaker kasi ang role ko rito. I’m playing the role of our director Christopher Gozum,” aniya.”Nakaka-relate ako dahil filmmaker din ako, nagpro-produce rin ako at the same time, I act. Ang filmmaker is always in search of the truth tulad na lang ng efforts namin na tell the story of the 1931 Tayug uprising in Tarlac during the American colonial rule in the Philippines,” dugtong niya. Proud din si Fe na maging bahagi ng isang makabuluhang proyekto na ayon sa iba ay napakahirap isalin sa pelikula.
“It’s actually a silent film told on different angles tungkol sa pagbabalik ni Pedro Talosa, isang rebolusyonaryo noong panahong iyon sa kanyang hometown, tungkol sa isang supremo na naghahanap ng isang sacred cave kasama ang mga historians at sa isang filmmaker na nag-i-interview para sa kanyang pelikula tungkol kay Tolosa,” paliwanag nya.
Dagdag pa niya, isa raw ito sa pinaka-challenging role na ginampanan niya. “Kahit nagna-narrate lang ako at binasa iyong iskrip, nahirapan din ako. Kailangan kasing tama ‘yung pag pronounce ko at ‘yung punto. From Davao ako at iba ang dialect namin so, first time ko na magsalita ng Pangasinense na ilang linggo ko ring pinag-aralan,” pagbabahagi niya. “Actually, Direk Chris Gozum was my language coach ko,” pahabol niya.
Kuwento pa niya, bilang paghahanda sa movie, nag-research daw siya tungkol kay Pedro Calosa. “Siya iyong lider ng Tayug Colorum Uprising noong 1931 who rose in arms against the feudal system and practices in Tayug, Pangasinan kung saan maraming peasants ang namatay,” sey niya. Pero, nalaman ko na hindi pala siya kilala ng mga taga Tayug sa panahon ngayon. So, para siyang forgotten hero. Kung may nakakakilala man, isa daw siyang rebelde. Actually, may nakatayong rebulto roon sa Tayug na nakasakay ng kabayo pero walang pangalan. But the good thing is, the mayor of Tayug supported us at gusto niyang makilala ng mga tagaroon si Pedro Calosa,” lahad niya.
Naniniwala rin si Fe na kahit nananatiling misteryo si Pedro Calosa, hindi maitatangging bahagi na rin siya ng kasaysayan ng Pilipinas.
“Kung significant ba siya o hindi ganoon ka-significant, mananatiling ang mga taga Tayug ang makapagsasabi dahil like it or not, bahagi na siya ng kasaysayan ng Tayug,” pagwawakas niya. Si Fe ay nanalo bilang best actress sa Gawad Urian noong 2010 para sa kanyang makabuluhang pagganap sa pelikulang “Sheika” kung saan ginampanan niya ang papel ni Bai Fatmawatti, isang inang Muslim na namatay ang mga anak sa giyera sa Mindanao.
Hindi rin malilimutan ang kanyang pagganap dito dahil siya ang kauna-unahang aktres na nagpakalbo para lamang sa kanyang papel sa nasabing pelikula ni Arnel Marduquio.
Ilan pa sa mga makabuluhang pelikulang ginawa niya ay ang “Moro2morrow o “Daughters of the Three Tailed Banner”,”Riddles of My Homecoming” at “Ang Paglalakbay ng mga Bituin sa Gabing Madilim”.
Iprinudyus ng Hyde Entertainment at Idea First Company sa pakikipagtulungan ng Quezon City Film Development Foundation Council, ang "Dapol Tan Pawayar na Tayug 1931" (The Ashes and Ghosts of Tayug Uprising 1931) na idinirehe ni Christopher Gozum ay nagtatampok din sa magaling na stage, film at TV actor na si Cedric Juan bilang Pedro Tolosa, Perry Dizon, Soliman Cruz at marami pang iba.



No comments:

Post a Comment