Friday, 20 October 2017

“Dormitoryo”, a full length version of his acclaimed short, says Emerson Reyes


By Archie Liao

Naging kontrobersyal ang director na si Emerson Reyes noon sa Cinemalaya dahil sa pag-pullout niya ng kanyang entry na “MNL 143” dahil gusto ng Monitoring Committee na palitan niya ang kanyang cast na hindi niya ginawa. 

Sa halip na sumunod sa kundisyon, binawi na lang niya ang kanyang pelikula at naghanap na lang siya ng financiers para rito. 

Happily, nakahanap naman siya ng mga producers na ginastusan ang pelikula niya. Katunayan, nauna pa itong ipalabas noon sa Cine Adarna ng University of the Philippines kesa sa pagbubukas ng Cinemalaya 2012. 

Bukod rito, nauna ring natanggap ang pelikula sa mga international film festivals kesa sa Cinemalaya entries noong 2012. Ngayon, balik sa festival si Emerson pero hindi na sa Cinemalaya kundi sa QCinema kung saan kalahok sa Circle Competition ang kanyang pelikulang “Dormitoryo” 

“Dito sa QCinema, maluwag sila. After na matanggap nila iyong iskrip, hinayaan na nila kami. Siyempre, nagbigay lang sila ng deadlines pero sa creative side, hinahayaan lang nila ang filmmaker kung ano ang gusto namin,” paliwanag niya. Proud din si Direk Emerson sa kanyang second full-length feature. 

“It’s actually a full-length version ng short film ko sa Cinemalaya na“Walang Katapusang Kuwarto”. That time , dalawa lang sila. Iyong mga main characters ko noon na sina Sheenly Gener at Max Celada . Ngayon, iyong mga taong pinag-uusapan nila, kasama na sa pelikula,” pagkukuwento niya. “Lahat ng elements nandito, may sex, comedy, action. Para siyang microcosm na nangyayari sa society kumbaga iyong isang buong bahay, para siyang bansa, na may lider at may mga sumusunod at sumusuway sa kanya,” dugtong niya. 




Nilinaw rin niya na mas malawak ang scope ng kuwento ng “Dormitoryo” kumpara sa kanyang “MNL 143”. 

“Iyong “MNL 143” kasi ay ang loob ng isang FX taxi lang ang main setting, sa “Dormitoryo” naman ay sa apat lang na maliliit na kuwartong paupahan umiinog. Buhay ng apat na couples ang ipinapakita ng pelikula--pero hindi lahat ng couples sa bawat kuwarto ay babae't lalake ang magkapareha. Happily, wala namang ang kapareha ay aso. O kaya ay kambing,” pahayag niya. 

Nasa cast ng “Dormitoryo” sina Wowie de Guzman,Vandolph Quizon, Ces Quesada, Sheenly Gener. Kasali rin sa cast sina Jun Sabayton, Kate Alejandrino, Charles Salazar, at Max Celada. Bukod sa “Dormitoryo”, abala rin si Emerson sa pagsulat ng teleserye para sa isang Cambodian television. Ang “Dormitoryo” ay mapapanood sa TriNoma Cinema, Robinsons Movieworld Galleria, Gateway Cineplex, U.P. Town Center Cinema and Cinematheque Centre Manila mula Oktubre 19 hanggang 28 bilang kalahok sa 5th Quezon City International Film Festival. 



No comments:

Post a Comment