Friday, 13 October 2017

Direk James Mayo talks about his film “The Chanters”




By Archie Liao 

Isang TV director si James Mayo at nagsimula siya sa pagdidirehe ng mga programa sa TV 5. 

Pagkatapos ang matagal na paghihintay, dumating din ang kanyang break na makapagdirek ng kanyang kauna-unahang full-length feature na “The Chanters” na kalahok sa Circle Competition ng 2017 QCinema International Film Festival. 

Siya rin ang isa sa mga producers ng “Anatomiya ng Pag-ibig”, isang 12-act anthology film na ipinalabas sa Cinemalaya 2015 kung saan ang kanyang short film na “September at Simon” ay tampok din. 





Sa taong ito, muli na naman siyang magpapakitang-gilas sa kanyang pinakabagong obra. 

“Inspired siya sa isang documentary na ginawa ng friend ko noong 2011 sa Journo sa TV 5 under Luchi Cruz-Valdez . Chanters din ang name niya. Bale, binalikan namin iyong tribe after several years. Based pa rin siya sa community. It’s about a girl na fanatic ng isang pop celebrity. Tapos,iyong pop celebrity nagpunta sa iskul niya, so, pinaghandaan talaga niya ang pagdating to the point na nag-aral siyang sumayaw pero may isang lolo na member ng community nila ang tinamaan ng dementia o loss of memory. Dahan-dahan nagde-deteriorate ang kanyang memory,” kuwento niya. 

Ayon pa kay James, sinadya niyang non-actors ang mga miyembro ng cast ng “The Chanters”. “Iyong mga actors ko are non-actors from the tribe. It’s actually Panay-Bukidnon tribe from Iloilo. Contemporary din ang treatment niya. Dito kasi, iyong binukot system ay nawala na. Kumbaga, I’m here to tell kung ano ang nangyari sa tribe,” paliwanag niya. “Sila ang mga miyembro ng cast ko kasi gusto kong ma-capture iyong rawness nila,” dugtong niya. Sa pagbabalik niya sa tribu, maraming bagay din siyang nadiskubre. “May cellphone na sila, nakikinig na rin sila ng Chainsmokers. Ganoon na sila ka-updated, kahit sa social media, pero ang maganda sa kanila iyong culture nila hindi nawawala kahit dumaan na sila sa modernisasyon. Kahit anong pagbabago sa lipunan, they adapt.Because of the chant school , iyong educational system nila to preserve their culture is solid,” sey niya. 



Aminado rin siyang naging acid test din sa kanya ang kanyang unang full-length feature. “Ang hirap dahil sa language barrier kasi Ilonggo ako. My biggest challenge is how to communicate with them. Iyong acting nila is very raw. Kapag malungkot sila, hindi nila inaarte dahil natural lang sila at iyong ang strength nila,” esplika niya. 

Dagdag pa niya, hindi rin niya maipagpapalit ang kanyang mayamang karanasan sa pag-e-explore ng tribu. “Iyong self-realization ko na worth sharing ang experience ko. Ito iyong tribung , sobrang layo sa mga tribal movies na nagawa na. Sa preservation ng culture, hindi kailangang maging hadlang o obstacle ang modernization because of the education na ipinamumulat nila sa kanilang tribu,” pagwawakas niya



QCinema International Film Festival 2017 runs from Oct 19 -28 207 at Trinoma, Gateway, Robinsons Galleria and Cinematheque Center Manila



No comments:

Post a Comment