By Archie Liao
Isang gay icon ang dating Miss Universe na si Gloria Diaz kaya naman nakaka-relate siya sa kanyang role sa pelikulang “Si Chedeng at si Apple” nina Fatrick Tabada at Rae Red, na kalahok sa ika-13 edisyon ng Cinemaone Originals filmfest.
Pero, ayon sa beauty queen turned actress, never pa raw na may nag-offer sa kanya na gumanap sa lesbian o bisexual role. “As far as I remember, there was never any offer for me to do one,” aniya.
Kaya nga nang magkaroon siya ng pagkakataon, hindi na niya ito pinalampas. “I would like to try out other roles that I haven’t done and explored yet,” pahayag niya. Pagtatapat niya, hindi raw litaw na lesbo ang kanyang role sa naturang pelikula.
“It’s not a lesbian that we usually think. In one of the scenes kasi, when my husband dies, I have to tell my best friend Elizabeth that I am a lesbian, so it’s more of a coming out,” pagtatapat niya.
Wala rin daw siyang love scenes sa movie with the same sex. “There’s no lesbian scenes na graphic. It’s more of a comedy. It’s actually a road movie about two old girl friends who become accidental criminals,” hirit niya. Noong una raw ay wala rin daw siyang idea kung paano niya bibigyan ng atake ang kanyang role. “I just didn’t know how it’s gonna be. Of course, I trust my directors. Sila iyong nag-guide sa akin,” aniya. “Actually, I enjoyed working with talented young people who are very passionate and dedicated to their craft like them,” pahabol niya. Huli na rin daw nang malaman niya na ang director pala niya ang nagsulat ng “Patay na Si Hesus” kung saan naipakita ng Cannes award winning actress ang kanyang galing sa pagpapatawa.
“May mga ginagawa na akong comedy noon sa late Danny Zialcita pero, iyong vulgar o bonggang pagmumura, hindi ko pa nagagawa. There was this part na may mura pero only one time lang. I’m actually not good at it, but I’m trying. I think, it’s difficult, lalo na kung explicit dahil naman ako sanay,” pahayag niya.
Ang “Si Chedeng at si Apple” ang reunion movie nina Gloria Diaz at Elizabeth Oropesa pagkatapos ng kanyang launching movie na “Ang Pinakamagandang Hayup sa Balat ng Lupa” ni Celso Ad Castillo noong 1974. Kuwento pa niya, kumpara noon, na halos hindi siya kilala ni La Oro, iba na raw ang closeness nila ngayon.
“Ngayon, mas relaxed na kami. Hindi na kami under pressure. Tawa lang kami ng tawa. We kinda sort of help each other . We’re more familiar with each other . We’re both friends now. When we talked about “Pinakamagandang Hayup”, she didn’t even realize na it was my first acting job. Sometimes, pag nahihirapan ako, tinutulungan niya ako. Unlike before na hirap na hirap ako na mag-Tagalog at hindi niya ako kilala dahil quiet lang siya dahil ayaw niya akong tulungan, iba na ngayon.We understand each other right away. Bago pa man siya magsalita, nagkakaintindihan na kami,” sey niya.
Natatawa na lang siya kapag may nagsasabing na-tomboy sa kanya si La Oro noong nagsho-shoot sila ng nasabing obra ni Da Kid. “I think, she was just experimental at that time,” pakli niya. Si Gloria ay well-loved ng mga gays at pageant fans pero nananatili pa rin ang kanyang stand na huwag payagan ang mga transgender na sumali sa Ms. Universe pageant.
“Kung papayagan sila, dapat mabago ang mechanics, so no, they should not be allowed sa Bb. Pilipinas or Ms. Universe. Puwede sila sa Ms. Gay Universe,” paliwanag niya. Ini-encourage rin niya na lumantad na ang mga closet gays at lesbians dahil hindi na big deal ito sa panahon ngayon ng mga millenials. “Lahat kahit iyong mga senior citizens, puwedeng maging lesbians, wala namang expiration date ang pagiging lesbian,” pagwawakas niya.
Ang dark comedy na “Si Chedeng at si Apple” ay mapapanood sa Trinoma, Glorietta, Gateway, UP Cine Adarna, Cinema 76 at Cinematheque Manila theatres mula November 13 hanggang 21 at sa Power Plant Mall mula Nobyembre 22 hanggang 28.
No comments:
Post a Comment