Tuesday, 2 December 2014

Robin Padilla, Vina Morales, Rj Padilla and Jasmin Curtis at the presscon of Bonifacio: Ang Unang Pangulo





Si Jasmin Curtis ay gaganap bilang Andrea para sa peliulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo. Isa siyang estudyante at kagrupo niya sina Daniel and RJ Padilla para sa isang proyekto kung saan magreresearch sila tungkol sa buhay ni Andres Bonifacio. Si Eddie Garcia naman ang gaganap na tagapagsalaysay ng kuwento ni Andres Bonifacio sa kanila.

Gaano kahalaga ang papel mo sa pelikulang ito?

“Gusto kasi mangyari nina Tito Robin na ma engage naming ang mg aka age namin. Kasi ngayun ang mga bata hindi na masyadong entertained by history or period films. So in choosing us having someone younger maiinvite namin iyong mga fans namin na manood ng historic film para naman malaman nila ang totoong kwento ni Andres Bonifacio."

Masaya si Jasmin Curtis na mapasama sa kanyang unang MMFF movie at si Robin Padilla pa mismo ang nag invite sa kanya para gawin ang pelikulang ito.

What part of MMFF are you most excited about? 

"The filming stage more than anything iyong paggawa ng mismong pelikula doon ako mas na eexcite palagi.  Masaya na naging parte ako ng pelikulang ito at gusto ko talaga na maikot ang lahat ng film festivals."

What did you learn about Bonifacio in doing this film?

 “I think the title says it all na  siya ang unang pangulo, akala natin lahat si Emilio Aguinaldo di ba. Marami pa siyang na contribute na hindi natin natutunan sa History class at nalaman ko rin yung kahalagahan niya sa rebolusyon ng Pilipinas.”

How will you describe your 2014?

“I think it has been eventful. It has been an emotional roller coaster for me. More than 2013, more than any other year and experience in terms of showbiz. So many things happen with my life that would public able to see. Parang dinisect na nila iyong buhay ko this year but doon ako natuto na ma overcome iyong feeling na kailangan ko ibigay iyong atensyon sa mga importanteng bagay, naseseperate ko na kung ano iyong pinaka importante sa buhay ko. This year ako natutong manghandle ng issues and once you’ve learned, you’re more able to calm yourself down and really focus on your work."




Ang role ni RJ Padilla sa peliulang  Bonifacio ay isa sa mga estudyante sa kasalukuyang panahon na kamag-aral nina Jasmin at Daniel Padila. May pagka ma angas at arogante ang character ni RJ sa pelikula.

What did you learn about Bonifacio in doing this film?

 ‘Kung ano talaga ang ibig sabihin ng gobyerno, kung paano hawakan ang bansa, kung gaano kahalaga ang respeto sa kapwa Pilipino at watawat ng Pilipinas.”

What are your challenges while doing this film? 


 “Wala naman masyadong naging challenges kasi iyong roles namin, present  iyong pinapakita namin kumbaga estudyante lang ganun. Feeling ko ang mas na challenge ay si utol e, si Daniel kasi yung role niya parang siya na iyong kasalukuyang Bonifacio so iyong characterization niya medyo mabigat."

How was the experience working with Direk Enzo Williams?
Masaya, noong una medyo tahimik pa si Direk then kapaan pa lang tapos after several takes katuwaan na. Sabi nga sa amin ni Direk gusto niya daw gumawa ule ng pelikula kasama kaming mga bagets so lalo kami natuwa kay Direk. He is easy to get along with. Madaling pakisamahan."

How was the experience working with Daniel and Jasmin?
Masaya. Si Daniel nakasama ko na sa movie na Sa Ngalan ng Ama then now kasama ko ulet, dumagdag si Jasmin. Si Jasmin kasi parang kapatid na namin to e so bagong bonding, bagong kulitan, bagong kwentuhan so magaan naman sila katrabaho."

How are you going to spend your Christmas?

"Baka pumunta kami ng Subic, maghanap ng location doon para iyong vibe ng Christmas ma experience ng anak ko."

 


Vina Morales will doing the role of Gregoria De Jesus, wife of Andres Bonifacio in Bonifacio: Ang Unang Pangulo. Their love story will one of the highlights of the film.

How was it working with Robin again?

“Mixed emotions. Kinakabahan at exited at the same time. Ofcourse I am happy na makatrabaho ule si Robin dahil matagal ko na siyang hindi nakatrabaho. Pero one thing na hindi nawala sa amin ay iyong chemistry. Makikita niyo na andun pa rin iyong Robin Vina tandem even though historical iyong film. Hindi nawala iyong kilig sa mga eksena.”

Hindi ba nagkaroon ng ilangan sa inyo ni Robin sa paggawa ng pelikulang ito?

"Nag sorry na naman siya sa akin so napatawad ko na siya. Iyong pagmamahal bilang kaibigan hindi nawala iyon pati respeto ko sa kanya because I know even if nasaktan niya ko noon I know he has a good heart. Alam kong mabuti siyang tao kaya di nawala iyong pagmamahal at respeto ko sa kanya.”

 
Ano pinaka heavy scenes niyong dalawa ni Robin sa pelikula?

“Madami kaming heavy scenes, siguro iyong pinaka heavy for me is iyong papatayin na siya and the conversation before that.”

Are you hoping for a Best Actress for this film?

“Actually maraming mabibigat na eksena e. Siguro sana hoping na sana makasungit kami. Hindi naman papasa kay Direk Enzo iyong mabibigat na eksena kung hindi siya satisfied sa acting namin. Hindi papayag si Direk Enzo na konting take, maski paulit ulit yan kahit umabot ng take 5 take 8. Ang ginagawa niya is gusto niya makita lahat ng emotions mo maski mag take 7 ka ok tapos biglang sasabihin niya, Vina parang mas gusto ko iyong emosyon mo sa Take 3, ganun siya.”

Kamusta si Robin katrabaho kumapara noon sa ngayun?

“Ganun pa rin siya. Gentleman. Maasikaso. Ina ask niya iyong mga kasamahan niya kung ok lang ba sila ganun. Iyon ang hindi nawala sa kanya. Siguro in a way na maski maalaga siya sa akin ay nagbibiro pa din sya, alam mo naman si Robin mapagbiro taalaga pero alam ko hanggang biro lang, pero kung sasakyan ko problema ko na iyon."




Robin Padilla will be playing the title role for this historical film Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

Ano ang mga bagay na makapagbibigay linaw sa pelikulang ito tungkol kay Bonifacio?

“Una, si Bonifacio talaga ang unang pangulo. Pangalawa, si Bonifacio ay naniniwala sa Diyos. Pangatlo, si Bonifacio ay hindi mainitin ang ulo. Pang-apat, kailanman si Bonifacio ay hindi naghariharian. Panglima, katulad ng ibang mga bayani tulad ni Jose Riza, may pag-ibig din si Bonifacio at iyon ay si Gregoria De Jesus. Minsan palagi natin nakikita galit lang siya, may hawak na tabak pero lahat ng ito mabibigyan ng linaw sa pelikulang ito.”

How did you prepare for the film Bonifacio?

“Kami talaga ni Direk Enzo wala pa itong Bonifacio, katipunero na kaming totoo. Hindi kami fake. Di ko namang sinasabi na mali ang mga gumagawa ng Bonifacio pero kung pag uusapan natin ay iyong tunay na nakakaalam kung ano iyong Katipunan, kami iyon. Kasi wala pa to, di pa nga namin alam kung magagawa ito pero Katipunero na kami. Kaya nung dumating itong pelikula ay ginamay ko siguro ang mahirap lang ay iyong pinataba ako ni Direk Enzo kasi galing ako sa pagpapayat para sa pelikulang 10,000 Hours last year.”

Do you have expectation of winning as Best Actor for this film?

“Ako mas gusto ko iyong usapin na tangkilikin lalo na ng mga kabataan ang pelikula. Hindi naman naming ito ginawa para sa award. Hindi naming ito ginawa para sa usapin na blocbuster. Ginawa namin ito para may maiwan kami sa mga tao. Kanina nga tinanong kami ng media kung sino ba ang mahigpit naming magiging kalaban sabi ko, alam niyo dapat di nila kami tinitignan na kalaban, dapat nga ini endorse nila kami, dahil itong pelikulang ito ay para sa bayan ito. Hindi ito usapin ng kitaan. Hindi naman naming alam kung mababawi naming ginastos naming dito e. Hindi naming iniisip iyon. Ang iniisip naming itong pelikulang ito ay kailangan ng bawat Pilipino ngayon. Sa mga nangyayari sa atin kailangan natin to."

How much is the running cost of the production of the film?

“90 million na kami tumatakbo, wala pang promo iyon. Actually hindi naming iniisip iyon kung makakabawi o hindi. Ang compensation mo dito ay magiging bibliya ito ng ating kasaysayan. Itong pelikulang ito matagal ng kinalimutan ng ibang pelikula eto andiyan pa iyan. Ilalagay sa archives yan. Iyong mga kabataang Pilipino, mapapanood nila ito. Ito yung tunay na nangyari kay Bonifacio. Iyon ang reward nun.”



Bonifacio: Ang Unang Pangulo is produced by Philippians Productions. It will open in cinemas nationwide on December 25.





For more information and updates on Bonifacio: Ang Unang Pangulo, please visitfacebook.com/bonifacioangunangpangulo and youtube.com/user/philippiansprodYou may also add ‘Bonifacio’ on Twitter @philippiansprod and on Instagram @bonifaciothemovie





No comments:

Post a Comment