Saturday, 6 June 2015

Movie Review: Stars Versus Me

Elena, an independent girl, grew up with a mother who is a devout believer in the power of the stars. Everything in their lives revolved around what the forecast was for their horoscope.  She then crosses paths with happy-go-lucky Sonny whom she finds herself drawn to even if he makes her feel confused.  A visit to a fortuneteller rocks their happy courtship and Elena ends up discovering a deep, dark secret that changes her and Sonny's lives forever.


Paniguradong matutuwa ang mga Marnolo sa panonood ng pelikulang ito dahil punong puno at kilig overload ang mga eksnea ng isa sa pinakabagong love team na kinahuhumalingan ng mga kabataan ngayun sina Manolo Pedrosa at Maris Rascal o ang Marnolo loveteam. Maswerte ang dalawang ito dahil nabigyan agad ng launching film pagkalabas sa bahay ni kuya sa pagnanais na rin at pag iingay ng kanilang tagahanga. Mula sa best selling young romance book ang Stars Versus Me, sa direksyon ni Joven Tan na nagbigay din sa atin ng isang nakakaaliw na pelikula last year na Echoserang Frog. May chemistry ang dalawang ito at ang lakas ang makabagets ng mga eksena nila together. Pareho din silang cute kaya naman ang ganda nilang panoorin sa big screen. Aliw factor din sa pelikula sina Kiray Celis at Matet De Leon at tiyak na kapapanibakan niyo rin ang kakaibang istorya ng pagmamahalan na nakaukit sa tadhana ng bituin. Ito ay isang kakaibang young romantic comedy film na paniguradong kakikiligan ng mga Marnolo fans. Kakaiba kasi hindi siya iyong tipikal ng romcom na napapanood natin sa mga mainstream film at may sariling atake na ginawa ang direktor na si Joven Tan . So don’t miss this unique fairly made young romance comedy local film in time before the school year starts.




My Verdict: 3/5






No comments:

Post a Comment