Wednesday 6 August 2014

Movie Review: Kasal

Kasal is a slice of life drama of a gay couple whose resolve to stay together is challenged as they attend a wedding. It also is an examination on how a gay couple navigates through the different institutions in Philippine society.

Ang ganda ng istorya ng pelikulang ito.Pinakita dito ang mga consequences ng dalawang lalaking nagmamahalan. Nagustuhan ko yung screenplay ng pelikula kung paano nagamit yung isang event which is the wedding sa kasalukuyang estado ng relasyon ng dalawa. Hindi na bago para sa akin ang tema ng pelikulang ito pero may laman at may maipapakitang bago ang istorya ang pelikulang ito. In a way mararamdaman mo kung ano ang pinagdadaanan ng dalawang bidang lalaki sa pelikulang ito. Malaking bagay na ginawang theme song ang isang napakamadamdaming kantang Ikaw at Ako na umakma sa istorya ng pelikula. I also like the musical scoring of the film.  Nagustuhan ko din yung style na ginamit sa cinematography na parang nakasilip lang yun camera especially sa mga confrontation scene. Maayos ang pagkakaganap nina Arnold Reyes (na hindi overacting on this film) at Oliver Aquino para sa pelikulang ito. Kapansin pansin din ang character at husay sa pagganap bilang suporta ni Maureen Maurico para sa pelikulang ito. Kung gusto niyong malaman at masilip kung ano ang pinagdadaanan ng dalawang lalaking nagmamahalan, panoorin niyo ang pelikulang ito.





My Verdict:  3.5/5


Arnold Reyes @ Gala of Kasal

Oliver Aquino @ Gala of Kasal

Maureen Mauricio @ Gala of Kasal

Direk Jay Altarejos @ Gala of Kasal





No comments:

Post a Comment