Sunday 3 August 2014

Movie Review: Hustisya

A foul-mouthed woman fights for her soul in the belly of the city. Working for a human trafficking agency controlled by a powerful syndicate, she sees no evil, hears no evil. In a society like ours, you have only two choices – to be a victim, or a victimizer – she makes her choice.



So what can you get on Joel Lamangan, Ricky Lee and Nora Aunor on a cinemalaya entry – one great film. Napapanahon ang story. Another social relevant film from Direk Joel. Ipinakita dito kung paano tayo bilang isang Pilipino nagiging biktima ng panloloko ng kapwa Pilipino. Rich vs poor, good vs.evil, kung gaano makapangyarihan ang pera, at katungkulan sa bansa natin iyan ang pinakita sa pelikulang ito. Nakakalungkot man isipin pero iyan ang totoo. This is what I felt after watching the film. Tayo na sa sarili nating bansa ay dinedehado ng mga taong nasa taas, may katungkulan at pera. For me to make this feel after watching this it means the film is effective on its intention and message that it would like to give to us.

Mahusay na nagampanan ni Ms. Nora Aunor ang kanyang character bilang isang babae biktima ng sindikato. Nakapagpakita siya ng lahat ng emosyon sa pelikulang ito. Malalim ang hugot niya sa mga eksena, mata pa lang umaarte na. Kahit simpleng paglakad may laman pa rin. Roco Nacino is also good here and could be a strong contender for Best Suporting Actor for his natural portrayal and no effort acting bilang isang villain lawyer. Medyo nag iba din ng treatment si Mr. Ricky Lee on his writing for this film, ngayun lang ako ulit nakapanood ng gawa niya na iniwan niya sa mga audience ang interpretation ng ilan sa mga eksena kumbaga hindi give away yung film. Ikaw na bahala mag interpret nito. Mahuhusay din ang lahat ng mga supporting cast kahit saglit lang yung iba pero markado. So I think this is one film that you should not miss on Cinemalaya dahil once in a lifetime lang mapagsamasama sina Ms. Nora Aunor, Ricky Lee at Direk Joel Lamangan na maitututing na nating haligi ng industriya ng Pelikulang Pilipino.

 




My Verdict:  3.5/5



Roco Nacino ith Lovi Poe @ Gala of Hustisya

Ms. Nora Aunor @ Gala of Hustisya

Jeric Gonzales @ Gala of Hustisya

Chanel Latorre @ Gala of Hustisya







No comments:

Post a Comment