Friday, 20 December 2013

Movie Review: Mga Anino ng Kahapon

Anino ng Kahapon (Shadows of the Past) is about a family dealing with the challenges of a member with schizophrenia. 

Isang magandang katangian ng pelikula ay ang pagiging makatotohanan sa paglahad ng kwento ng buhay ng isang babaeng may schizoprenia. Hindi nito pinakita ang nakakahon na konsepto na nasa isip ng mga tao tungkol sa sakit na ito. Maski ang pagganap ni Agot Isidro ay makatotohanan at epektibo upang ipakita ang tunay na pinagdadaanan ng may sakit na ito. Hindi siya umarte na tipikal na baliw na usual na napapanood natin sa pelikula at telebisyon. Mahusay din bilang suporta sa pelikula sina TJ Trinidad, Carlo Cruz, Carl Acosta, Upeng Galang at Ku Aquino. All natural acting.

Maayos ang pagkakalahad ng storya ng pelikula. Pinag isipan ang pagkakagawa ng script. Mahusay ang pagkakasulat nito. Iba ito sa mga napanood ko na pelikula na tumalakay sa may sakit sa pag iisip. At sa tingin ko ito yung pinakatotoo at nalalapit sa totoong buhay. Napaka simple lang ng pelikula ngunit naging epektibo sa paglalahad ng tunay na kwento ng isang tao may anino ng kahapon. A must see film for this year's MMFF New Wave.





My Verdict: 3.5/5



Casts and Crew of Mga Anino ng Kahapon with Direk Alvin Yapan @ Gala Night of  Mga Anino ng Kahapon

TJ Trinidad @ Gala Night of  Mga Anino ng Kahapon

Agot Isidro @ Gala Night of  Mga Anino ng Kahapon




No comments:

Post a Comment