Saturday, 9 August 2025

OPM icon Nonoy Zuniga celebrates his golden anniversary with songs of a lifetime

BY ARCHIE LIAO 

Dream come true para sa OPM icon na si Nonoy Zuniga ang pagdaraos ng concert in time for his 50th anniversary. 
"Matagal ko nang iniisip itong solo concert na ito," aniya. 

“Titiyempuhan lang yung 50th — parang ang tanda na kasi, 50th year. Ha! Ha! Ha! Ha! Not in showbiz but as a professional singer in the singing profession.
“High school pa lang, I started singing na. Two years as a folk singer. Nung college ako, nagbanda ako. Five years, every night yon.
“And then, yun na nga, eto na, recording na. Kaya 50 years… dahil sa matinding pangangailangan!”

Masaya rin siya dahil suportado siya nina Marco Sison at Rey Valera as special guests sa kanyang show.

“We’re really friends so we are supporting each other’s concerts,” paliwanag niya. “Pag si Rey naman, andoon din kami ni Marco. Ganoon lang.”

Mabenta rin daw ang batuhan nila ng linya kapag nagsama sila sa entablado. 

“Ganun ang magkakaibigan, nagbibiruan lagi. Parang mga seryoso, pero actually, OK lang sa amin yon,” saad ni Nonoy.
Tribute rin daw ang show sa mga namayapang kaibigang sina Rico J. Puno at Hajji Alejandro.

"We started 2003, Hitmakers, yung lima kami, with Rico J and Hajji. Magkakakilala kami before pero not really friends as in friends na you go out at night, na pag walang gigs, lumalabas kami. Walang ganun. “Ngayon we do that. Talagang friends yon, di ba? "bulalas niya. 

Hindi rin niya ikinaila na madalas na magtalo noon sina Hajji at Rico kapag kasama nila. 

“Kasi ang dalawa na yun, sila ang pinakamatanda sa amin,” sey niya. 
“So kami, mas bata, respeto na lang namin sa matatanda. Let them talk. Kasi pag nagkakaedad, nagiging madaldal, e. Joke din yun siyempre.
“Pero talagang whenever we perform together, lagi naming iniisip, nandiyan silang dalawa sa likod namin.

“Yung spirit nila, kasama namin. Kaya pag nagpapatawa kami, kasama sila. Actually, yung ibang jokes dun, karamihan ng jokes, si Hajji Alejandro ang gumawa.
“I would say 70 percent siguro kay Hajji, 30 percent kay Rico. Pero most of the time, pinapa-deliver namin kay Rico, lalung-lalo na yung green jokes.
“Bagay na bagay sa hitsura niya! Sa akin, hindi bagay. So yun, ganun lang. Tapos hinati-hati namin yung mga jokes.”

Bukod kina Marco at Rey, special guests din sa concert sina Kuh Ledesma at Lani Misalucha.  “Si Kuh, matagal ko nang kilala, ‘70s pa. Kasi, nasa banda rin siya, yung Ensalada, saka ako, Family Birth,” pa- throwback niya. 

“Nag-alternate kami sa Holiday Inn sa El Camarote Bar. One of the singers si Kuh, ako, one of the singers din. “So mga bata pa kami, magkakilala na kami. So, yun ang aming ire-recall sa show.

“Si Lani naman, ‘80s ko siya nakilala, sa recording na. Kasi, at the height of my career, si Lani, she was doing covers. Mga Natalie Cole, Mariah Carey, mga ganyan.
“Doon ko siya nakilala sa recording,"pahabol niya. 

Wish naman ni Nonoy na maka-duet si Regine ng "Araw Gabi," na siya ang original singer.  Bet din niyang makatrabaho muli ang National Artist for Music na si Maestro Ryan Cayabyab.  Ang isa pang pangarap niyang maka-duet muli ay ang Megastar na si Sharon Cuneta sa awiting "Init sa Magdamag." 

Siyempre, inimbitahan din niya ang Star for All Seasons na si Vilma Santos na manood ng kanyang concert na naging leading lady niya sa pelikulang "Never Say Goodbye" noong 1982. 

Marami ring inilaang sorpresa ang show dahil magbabalik-tanaw ang singer mula sa kanyang pagiging folk singer, band member and ultimately OPM Icon at hitmaker. 

Special performers naman sa Beyond Gold: Songs Of A Lifetime sina Andrea Gutierrez, Isha Ponti, at Raymond Gorospe.

Mula sa produksyon ng EchoJam Entertainment at direksyon ni Calvin Niera, mapapanood na ang concert event of the year sa September 5 sa Newport Performing Arts sa Resorts World Manila sa ganap na alas-8 ng gabi. 

No comments:

Post a Comment