By Archie Liao
Tagumpay ang ginanap na premiere night ng pelikulang Mamay: A Journey To Greatness, The Marcos Mamay Story na ginanap sa Cinema 1 ng SM Megamall noong Agosto 27.
Pinagbibidahan ito nina Jeric Raval (as Marcos Mamay,) Ara Mina (as wife Cathy) at Teejay Marquez na gumanap bilang batang Marcos.
Kasama rin sa pelikula sina Polo Ravales, Victor Neri, Julio Diaz, Baby Go, Devon Seron, Shiela Delgado, Tonz Lander Are, John Arcenas at iba pa sa
direksyon ni Neal Buboy Tan under Mamay Production.
Mapapanood sa biopic na hindi hadlang ang kahirapan para makapagtapos ng pag-aaral at maabot ang pangarap sa buhay lalo na maging Alkalde ng Nunungan, Lanao del Norte.
Aniya, "The movie highlights the hardships, trials, and ultimate triumphs that shaped my journey. Having experienced the challenges of poverty firsthand, my dedication to uplifting the lives of my constituents shines through, serving as a powerful testament to the impact of hard work and determination.”
Umaasa si Mayor Mamay na magsilbing inspirasyon sa mga kabataan ang kanyang life story.
"This is a very inspiring movie. I want people, especially those who belong to the marginalized sector, to know that there is always hope and opportunities to reach your dreams if you focus all your energies on it."
"Kailangan din na magsumikap ka para maabot ang anumang pangarap mo. This movie tells that poverty is not a hindrance to succeed in life," giit pa nito.
Diniin din nito na naisip niyang gawin ang kanyang life story nung kasagsagan ng Covid 19 sa kagustuhang matulungan ang showbiz industry lalo't isa siya sa Adviser ng Actors Guild of the Philippines at mabigyan ng trabaho ang mga artistang 'di na masyado visible sa pelikula kabilang na sina Via Veloso at Sabrina M.
Samantala, ang action star na si Jeric Raval ang napiling gumanap na Marcos Mamay.
Ayon kay Jeric, “I am honored na ako ang napili ni Mayor Mamay na gumanap bilang siya sa pelikulang ito. Humanga ako sa mga pinagdaanan ni Mayor. Truly inspiring."
Sey naman ni Ara, tinanggap niya ang pelikula dahil inspirasyon ang buhay ng alkalde. "I accepted this movie dahil inspirational talaga ang buhay ni Mayor Mamay. Nakita ko rin ng personal ang napakagandang lugar ng Nunungan nang dahil din sa efforts ni Mayor."
Dagdag pa nito, "Saka hindi mahirap gampanan ang role na Cathy, napakabait niyang wife."
Ang pelikulang Mamay: A Journey To Greatness 'The Marcos Mamay Story' ay nabigyan ng PG (Parental Guidance) rating ng MTRCB. Nakatakda rin itong ipalabas sa mga schools sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd).
No comments:
Post a Comment