By Archie Liao
Sa psychological drama thriller na “What You Did”, dual role ang ginagampanan ni Tony Labrusca. Para sa magaling na aktor, ito ang pinakamahirap na papel na nagampanan niya.
“I think this is one of the most challenging and difficult projects that I’ve done, “ani Toni. “Actually, nahirapan talaga ako kasi I portray two different characters, one is an introvert, the other one is an extrovert tapos ang crucial is when they have confrontations. It’s like….I’m confronting myself, “ pagtatapat niya. “At first, I was a little apprehensive to take the role kasi I was really scared that I might not be able to put it off but with the help of my director naitawid ko siya. I’m grateful to Direk Joan who took a chance on me,” pahabol niya.
Ayon pa sa "What You Did" star, nakaka-relate raw siya sa karakter na kanyang ipinortray dahil siya man minsang nakaranas ng depresyon. Ito raw ay noong kasagsagan ng Covid-19 at ng mga kontrobersyang kanyang pinagdaanan.
“I think lahat naman tayo dumaan sa ganoong stage especially noong pandemic. Kaya nga, it’s nice na merong movie that we could relate to.. about sa na-experience natin during the pandemic,”bungad niya. “During that time, a lot experienced mental issues especially na hindi natin alam kung kelan siya matatapos noon,” dugtong niya.
Hindi rin niya ikinaila na nagkaroon din siya ng anxiety noong masangkot siya noon sa mga kontrobersyang kanyang pinagdaanan. Isa na rito ay noong naakusahan siya ng two counts of aggravated acts of lasciviousness ng isang babae sa party sa isang bar noong 2021. “Yes, that was pretty traumatic,” pakli niya.
Noong Marso 2022 naman ay na-dismiss ang kaso pagkatapos na mapatunayan ng korte na walang probable cause sa kasong isinampa sa kanya ng nasabing complainant. “I felt relieved and vindicated when the case was dismissed. It’s really important that you trust the process, and have complete trust in God talaga,” pagbabalik-tanaw niya.
Ang “What You Did” ay first directorial effort ni Joan Lopez Flores.
Mula sa produksyon ng The Jumpcat Experiment Productions, tampok din sa pelikula sina Mary Joy Apostol, Epy Quizon, Mercedes Cabral, at Ana Abad Santos.
Kalahok sa 2024 Sinag Maynila Film Festival, palabas na ang pelikula sa Ayala Cinemas, Gateway, Robinsons Galleria at SM Cinemas hanggang Setyembre 10.
No comments:
Post a Comment