Wednesday 11 September 2024

Bagong All Male Group Na Magic Voyz, Ipinakilala

 

Inilunsad kagabi September 10, 2024 sa Viva Cafe ang bagong all male group na Magic Voyz. Sila ay hawak ng Viva Records at LDG Productions.

Ito’y binubuo ng pitong miyembro na sina Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones at si Johan Shane. Ang kanilang mga bagong kanta na "Wag Mo Kong Titigan" at Bintana" ay kanilang kinanta at sinayaw ng live sa Viva Cafe na siyang kinagiliwan at kinakiligan ng manonood.

Hindi lang sila palaban sa kantahan kundi mahusay rin sila sa sayawan at kadyutan. Bilang baguhan sa pagpe-perform pasado na sila at may potensyal na lalong gumaling. Sina Jhon Mark , Juan Paulo Calma at Mhack Morales ay nagbida na sa Vivamax. Sina Jace at Johan ay pambato nila sa kantahan . Takaw-pansin ang dalawa nang kantahin nila ang ‘Maybe This Time.’ Sa naturang launching at show ng grupo ipinalabas ang music video ng first single nila na ‘Wag Mo Akong Titigan.’ Madaling tandaan ang lyrics at kantahin.  

 


 

Samantala, sobrang happy ang kanilang talent manager na si Lito de Guzman sa naganap na launching ng Magic Voyz. Na-miss na raw niya ang mag-manage ng grupo kaya binuo niya ang Magic Voyz . Siya ang manager ng sumikat na ‘Baywalk Bodies,’ ‘Wonder Gays,’ ‘Milkmen’ at ‘Batchmates’. Sey niya, “nakaka-miss ulit ang mag-manage ng grupo. 

Sing and dance talaga ang challenge ko sa buhay. Nakikita ko kasi na patok ngayon ang mga boy group. So, naisip bakit hindi ako mag-training ng mga boys na nag-lead na sa mga movies.” “Gusto ko kasi, may patunguhan din ‘yung paghuhubad nila at mai-showcase ang kanilang versatility. 

Ang packaging, sexy actor pero may talent, marunong kumanta, sumayaw aside from acting,” saad pa ng talent manager. Bakit Magic Voyz ang napili niyang name ng group? “Magic Voyz kasi inpired ang name nila sa Magic Mike,” sambit ni Mother Lito. Bukod sa “Wag Mo Akong Titigan” ire-release na rin ang kanta nilang “Bintana” mula sa komposisyon ng miyembrong si Johan .

For booking ang inquiries, puwedeng kontakin ang Magic Voyz sa kanilang Facebook page. Maari ring tawagan sa Viva Artists Agency at cell number na 09178403522.

 

Watch video below for the interview and performance of Magic Voyz at Viva Cafe

 
 
 
 
 

No comments:

Post a Comment