Wednesday 2 August 2023

Franchesco Maffi, new child wonder of Philippine cinema, debuts in his first movie lead role

 

By Archie Liao

May bagong hahangaan ngayong child wonder sa Pinoy cinema. Siya ay walang iba kundi ang cutie at talentadong si Franchesco Maffi na sa edad na 12 ay umaariba na ang karera. Ani Franchesco, bata pa lang daw siya ay pangarap na niyang maging artista. “Dream ko po ang mag-artista. Gusto ko rin pong maging katulad po ng idol ko, “ ani Franchesco. Si Franchesco aka Choco ay nagsimula bilang commercial model sa mga TV ads at commercials. Ilan sa mga nagawa niyang commercials ay ang Ngiting Alaska March (2017), Del Monte Quick N Easy (2017), Surf Fabric Conditioner Magical Bloom (2017), Krim Stix Choco Trip (2017), Duty Free Philippines - Homecoming (2018), Lemon Square (2018), Oishi Bread Pan & Pillows (2019) at Jollibee (2019). 

Maliban sa pag-arte, may interes din si Choco sa pagsayaw at pagkanta. Hirit pa niya, idol daw niya ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. “Magaling po kasi siya at versatile po kaya po siya ang idol ko. Napapanood ko rin po siya at hanga po ako sa acting niya, “paliwanag ni Franchesco. Nakalabas na rin si Franchesco sa iba’t-ibang teleserye ng GMA-7 bilang Ronron, ang anak ni Yasmin Kurdi sa “Beautiful Justice”, bilang Nonoy, anak ni Jean Garcia sa Nakarehas Na Puso; bilang young Enzo (Xian Lim) sa Hearts on ice; at bilang Sean sa isang episode ng drama anthology na “Magpakailanman.” Ang pelikulang “The Special Gift”ang kanyang launching movie as a lead actor kung saan gumaganap siya bilang batang may mild autism. 

Ayon kay Choco, naitawid daw niya ang kanyang pagganap sa ganoong kaselang role sa pamamagitan ng paggabay ng kanilang direktor na si Lawrence Roxas. “Iyon pong direktor namin ang nag-guide po sa akin at siyempre po, nag-observe rin po ako, “aniya. Sey naman ni Direk Lawrence, hindi siya nahirapang idirek si Choco dahil sa murang edad ay nakita na niya ang pagiging sensitive actor nito. “Magaling siya. Sa set, alam na niya ang kanyang gagawin at dumarating siya na handa na at memorized ang kanyang lines. Actually, nakikita ko na malayo ang mararating niya,” bulalas ni Direk Lawrence. 

Ang “The Special Gift” ay kuwento ng isang gifted child na naghahanap ng pagmamahal at pagkalinga ng kanyang ama. Bilang advocacy project, layunin din nitong magbigay ng kamalayan tungkol sa kalagayan ng mga batang may espesyal na pangangailangan o gifted children sa bansa. Iprinudyus ni Roy Gomez ng RC Gomez Entertainment Productions at idinirehe ni Lawrence Roxas, tampok din sa powerhouse cast sina Soliman Cruz, Mike Lloren, Malou Canzana, Migui Moreno, BJ Forbes, Ellen Sheen, Romina Cauilan at introducing si Angelo Gomez

No comments:

Post a Comment