Umuulit nga ba ang Kasaysayan? Kaya ba nating isulat muli ang nagdaan? Babaguhin mo ba ang nakaraan?
Istorya ito ng manunulat na si Fernando Damaso na isasabuhay ang mga kontrobersyal na karakter na sina Pedro Damaso, Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Sisa at iba pa. Sa hangaring gamitin ang paggawa ng pelikula para ipakita ang kabutihan at kasamaan sa nakalipas at kasalukuyang lipunan.
Ang DAMASO ay isang musical sa loob ng isang pelikula na sasalamin sa sitwasyon sa gobyerno ngayon ng Pilipinas at ng industriya ng paggawa ng pelikula na hindi nagkakalayo sa kung paano naaabuso ang mga Pinoy noong panahon ng mga Kastila sa pangunguna ng isang prayle.

Isasalarawan rin dito ang kwentong pagiibigan nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara sa gitna ng kanilang pagsasakripisyo para sa kanilang pamilya at sa bayan.
Papasukin din natin ang isipan ng mga karakter sa pagbuo ng isang pelikula upang makita ang kanilang totoong nararamdaman at diskarte sa diumanong nanganganib na entertainement business.
Ang DAMASO ay isang obrang puno ng kantahan, iyakan, pagiibigan, kontrobersya at realisasyon na magiiwan sayo ng mapaghamong tanong.
Ikaw ba ay si DAMASO?!
Pinagbibidahan ng mga pinagsama samang batikang mga artista noon at ngayon sa pangunguna nina: Vina Morales, Nyoy Volante, Marlo Mortel, Arnel Ignacio, Ejay Falcon at Aiko Melendez
Ipinakilala sina: Jin Macapagal at Riva Quenery
Kasama din sina: Ketsub Eusebio, Mon Confiado, Lou Veloso, Luke Conde, at Richard Quan
Ang Pelikulang Damaso ay palabas na sa mga sinehan simula Nobyembre 20 2019.
No comments:
Post a Comment