Saturday 2 December 2017

Acclaimed director Raya Martin talks about his film “Smaller and Smaller Circles”



 By Archie Liao


Malaking hamon sa award-winning at critically acclaimed director na si Raya Martin ang pagsasalin ng best-selling novel ni F. H. Batacan sa pelikula. Humakot na kasi ng maraming awards ang popular crime thriller ng Palanca award-winning author at marami rin ang followers nito. “Iyong mga films na nagawa ko kasi, medyo mabagal siya, ito, kakaiba ang narrative, very genre-oriented,” pakli niya. Pagbubunyag pa niya, sinikap niyang maging faithful sa libro kung saan halaw ang pelikula. “When I was collaborating with Ria (Limjap) and Moira (Lang) for the screenplay, we made sure na sobrang maging faithful doon kami sa book. Malaki kasi ang fan base niya. I look at it this way kasi.Para siyang Harry Potter . 

Noong in-adapt sa screen, people had so much expectations, na dapat ganito, dapat ganyan. We don’t want to disappoint all the lovers of the book,” aniya. “But also for example, iyong second half especially iyong ending, ibang-iba siya from the book. There’s something for everyone and we want people na hindi pa nakababasa na nakapanood ng movie to pick up the book and also be excited also to discover the story. Kumbaga, pareho at magkaiba siya at the same time,”dugtong niya. 





Ang “Smaller and Smaller Circles” ay tungkol sa dalawang Jesuits priests na sina Guz Saenz (Nonie Buencamino) at Jerome Lucero (Sid Lucero) na naatasang mag-imbestiga ng serye ng pamamaslang sa mga batang biktima sa Payatas. Nilinaw naman niya na ginawa ang pelikula hindi para batikusin ang walang habas na karahasan at pagpatay sa mga biktima ng laban sa droga sa bansa. “Smaller and Smaller Circles”, I don’t think, it’s a political statement because it’s not. Iyong story was set in 1997. Curious siya kasi iyong sinulat noong author noong 1997 seems similar to what is happening around us. But, I think, isa sa mga gustong talakayin ng movie is we have to look closer. Ito iyong nakikita natin pero may mas malalim siyang kahulugan o pangyayari kung bakit ito nangyayari. It’s beyond political matters kung ano iyong gustong sabihin ng book,” paliwanag niya. Kung may sundot man daw ito estado ng karahasan sa bansa, ito raw ay hindi sinasadya.

“As a filmmaker, gusto kong gumawa ng pelikula na relevant sa atin. Tinitingnan natin kung ano ang nangyayari around us but at the same time, how it connects to us as people,” pagwawakas niya. Si Raya ang kauna-unahan at pinakabatang Pinoy filmmaker na napili sa the Cinéfondation Residence du Festival de Cannes noong 2009. 

Siya ang director ng Autohysteria, Independencia, How to Disappear Completely, Now Showing, Next Attraction at Buenas Noches, Espana. Bukod kina Sid at Nonie, kasama rin sa cast si Carla Humphries bilang journalist na si Joanna Bonifacio. Nasa supporting cast naman sina Bembol Roco, Christopher de Leon, Ricky Davao, TJ Trinidad, Jess Mendoza, Junjun Quintana, Alex Vincent Medina at marami pang iba. 


Mula sa TBA Studios na naghatid sa atin ng “Heneral Luna”, “Bliss” at “Birdshot”, ang pinakahihintay na film adaptation ng award-winning book ay palabas na sa mga sinehan simula sa Disyembre 6. 



No comments:

Post a Comment