Friday, 29 December 2023

Direk Njel de Mesa tatalakayin ang issue ng Mental Health sa bagong pelikula niya sa Singapore

 

Isang napapanahong pelikula na pinamagatang "Must Give Us Pause" ang mapapanuod ngayong taon mula sa award-winning writer-director-producer, na si Direk Njel de Mesa. Ito ay tungkol sa mga taong nawalan ng kamag-anak nung pandemya at hindi nakapagpaalam ng maayos sa kanilang mahal sa buhay.

Ang Pelikulang "Must Give Us Pause" na dinirehe, sinulat, at prinodus ni Njel de Mesa at pinagbidahan nina Cheska Ortega at Shaneley Santos na magsisilbing hudyat sa ating mga puso at isipan. Ang pelikulang ito ay may malalim na paksang tumatalakay sa mental health at suicide - isang tema na kailanman ay hindi dapat nawawala sa ating pansin. Ang dramatic film na ito ang official entry natin sa Jinseo Arigato International Film Festival 2024 na idaraos sa Japan.

"lyakan kami parati sa set. Intense ang mga eksena dahil mahuhusay ang mga artista namin," ani ni Direk Njel. Starring sa pelikula ang dating ka-love team ni Sam Concepcion na si Cheska Ortega —sa dating musical na "High School Musical" at pelikula na "Pop Class" na pinagtulungan ni Direk Njel at Direk Paul Soriano. Kasama rin ang NDM starlet na si Shaneley Santos na talaga nga namang todo todo at sunud sunod ang projects sa NDMstudios.

"Napakaganda po at kakaiba ang pelikula namin kasi wala pang tumatalakay sa impact ng mga namatayan nung pandemya, na hindi man lang nila nasamahan sa ospital ang mga mahal nila sa buhay," sabi ni Shaneley Santos. "At syempre, marami na ring mga celebrities ang nagkaroon ng matinding mental health problems-na hindi na dapat pagkibit balikat ito ng mga Pilipino," dagdag ni Direk Njel.


 

 
Ang "Must Give Us Pause" ay hindi lamang isang drama-ito ay isang mahalagang salamin ng realidad na kinakaharap ng maraming tao sa ating lipunan. Ito ay puno ng mga eksena na magdudulot ng mga luha at damdamin na magpapakilala sa atin sa mga taong patuloy na lumalaban sa kanilang mga personal na laban. Ang kagandahan at pagiging kontrobersyal ng

"Must Give Us Pause" ay naka-angkla sa kanyang paksa —ang mental health at suicide, mga usaping madalas na itinatabi ngunit kailangang harapin.

Nakunan ang "Must Give Us Pause" sa magandang bansa ng Singapore, sa pakikipagtulungan ng Singapore Tourism Board na nagbigay ng kahanga-hangang backdrop sa pelikula. Ang pagkakataong ito ay nagbigay-daan upang maipakita ang kahanga-hangang kultura at magagandang tanawin ng Singapore habang tinatalakay ang mahahalagang isyu.

Hindi maipagkakaila na ang "Must Give Us Pause" ay isang makabagbag-damdamin na pelikula na naglalayong magbuhat sa atin sa ating mga upuan, pukawin ang ating mga isipan, at hikayatin ang bawat isa na maging bahagi ng pag-uusap patungkol sa mental health at suicide.

Kasama natin ang buong mundo, sabay-sabay nating harapin ang realidad ng mental health at suicide. Sa pamamagitan ng "Must Give Us Pause", tayo ay magiging saksi sa mga kuwentong hindi lamang nagpapaluha, kundi nagpapabago ng buhay. Abangan natin ito sa mga sinehan!


No comments:

Post a Comment