Kwento ng tunay na mga bayani ng bayan ang itatampok ng longest-running drama anthology sa Asya na “Maalaala Mo Kaya” sa ikalawang bahagi ng special episode nito na alay para sa 44 na Special Action Force (SAF) commando na nagsakripisyo ng kanilang buhay para sa bayan.
Ang special tribute ng “MMK” na nagsimula noong Sabado (Abril 25) ay iikot sa kwento ng dalawang SAF commando na sina Garry Erana (gagampanan ni Coco Martin) at Rennie Tayrus (gagampanan ni Ejay Falcon). Sa kabila ng kanilang pagmamahal para sa kanilang pamilya, kaibigan at mga mahal sa buhay, mas pinili nina Garry at Rennie isakripisyo ang kanilang panahon upang ibigay ang kanilang dedikasyon sa pagprotekta sa mga Pilipino.
Sa ginanap na presscon para kay Ejay Falcon para sa episode na ito, ibinahagi niya ang kanyang pinagdaanan, natutunan at napagtanto para sa mga miyembro ng Special Action Force. Naging emosyonal sa ilang bahagi ng panayam at talagang dinala ng buong buo ang karakter na kanyang ginampanan bilang Rennie Tayrus. Sa pamamagitan din ng episode na ito ay ating makikita ang mga mabubuting katangian ng pulis na handang ibuwis ang buhay para sa bayan.
Makakasama rin nina Coco at Ejay sa two-part special ng “MMK” ang award winning actress na si Angel Locsin.
Tampok din sa kwento sina Malou de Guzman, Bembol Roco, Maricar Reyes, Ella Cruz, Rita Avila, Alex Medina, Marx Topacio, Efren Reyes, Trina Legaspi, Denisse Aguilar, Jillian Aguila, Aenah Solano, at Johan Santos. Kasama rin sina Cha Cha Cañete, John Vincent Servilla, Louise Bernardo, Macki Billiones, Dale Baldilio, Dante Ponce, Mike Lloren, Michael Roy Jornales, Jed Montero, Dionne Monsanto, at Dang Cruz.
Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Javier Fernando at panulat nina Arah Jell Badayos at Benson Logronio. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.
Sa loob ng 24 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang “Maalaala Mo Kaya” na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.
Huwag palampasin ang ikalawang bahagi ng tribute para sa SAF commandos sa longest-running drama anthology sa Asya, “MMK,” ngayong Sabado, 7:15PM, pagkatapos ng “Home Sweetie Home” sa ABS-CBN.
Narito ang ilan sa mga bahagi ng panayam kay Ejay Falcon sa ginanap na presscon
No comments:
Post a Comment