Muli  nating mapapanood sa MMK ang Queen of Soap Opera na si Judy Ann Santos  para sa natatanging episode ng MMK bilang pagbibigay pugay sa ilaw ng  mga tahanan ngayung Sabado (May 9). Tampok ang nakakaantig na kwento ng  isang nanay na nawalay sa kanyang apat na anak. 
Gagampanan  ni Judy Ann ang karakter ni Belen, isang ina na walang ibang nais kundi  mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Dahil sa bisyo  at mga kapabayaan ng kanyang asawa, mapipilitan si Belen na lumayo sa  kanyang pamilya para sa isang training sa Maynila.
Ngunit  sa kanyang pagbabalik matapos ang tatlong buwan, gumuho ang mundo ni  Belen nang matuklasan niya na ibinenta ng kanyang asawa ang kanilang  apat na anak.
Tampok din sa Mother’s Day special ng “MMK” sina Ian de Leon, Sam  Concepcion, Kristel Fulgar, Celine Lim, Mariel Pamintuan, JB Agustin,  Eva Darren, Crispin Pineda, Nikki Bagaporp, Neri Naig, Raquel Montessa,  at Tom Olivar. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz-Alviar at  panulat ni Benjamin Benson Logronio.
Huwag palampasin ang Mother’s Day special episode ng longest-running  drama anthology sa Asya, “MMK,” ngayong Sabado, 7:15PM, pagkatapos ng  “Home Sweetie Home” sa ABS-CBN.
Here are My Video Coverage of Judy Ann Santos - MMK Mother's Day Special Presscon 
 
No comments:
Post a Comment