By Ronald Rafer
Maraming ginulat sina Seth Fedelin at Francine Diaz sa kanilang pelikulang "My Future You", napakahusay ng dalawa at napakaganda ng story. Kahit kami , akala namin ay one of those romamce- drama lang na pambagets pero hindi pala. May pasabog ang FranSeth.
Sa umpisa ng pelikula ay nagtitilian na ang mga fans ng dalawa na matagal din nilang namiss . Kaya naman na happy sila na may pelikula Ang dalawa at pasok pa sa MMFF 2024 Ang ganda -ganda ni Francine sa screen at super guwapo naman ni Seth. Perfect sila together . Tilian at sigawan kapag magkaeksena ang dalawa .Talaga namang ang galing ng chemistry nila na napagtagumpayamg ipakita ni Direk Crisanto B Aquino.
May kilig at drama ang pelikula na tiyak na magugustuhan ng mga fans at moviegoers. After nga ng gala night ay naging word of mouith agad ito. Ang FranSeth na ang makabagong KathNiel. Sila na ang pumalit sa pwezto ng dalawa.
Hindi natin masasabi na baka ang nangyari sa "Rewind*last year ay mangyari din sa "My Future You" na dahil sa ganda ng story at husay ng mga artista ay dumugin din sa takilya.
Sabay sabay nating panoorin ang pelikula sa December 25
No comments:
Post a Comment