By Archie Liao
Muli na namang magpapakitang-gilas ang award-winning actor-director na si Ruben Soriquez sa “The Mariana’s Web”, isang kakaibang sci-fi/ horror thriller na idinirehe ng Italian director na si Marco Calvise ( Milonga, Non Temere, La Pioggia Che Non Cade).
Sa “The Mariana’s Web”, ginagampanan niya ang papel ni Fosco, isang magsasaka na nakatira sa isang rural mansion na ang simpleng pamumuhay ay nabulabog nang makilala niya ang isang misteryosang babaeng nagngangalang Mariana online. Naging kumplikado pa ang buhay niya dahil naging obsesyon niya si Mariana, dahilan para mapabayaan niya ang kanyang trabaho.
Ayon kay Ruben, isang dream come true para sa kanya ang paggganap sa role ni Fosco sa pelikula.
“I’ve always been a sucker for horror thriller films. I enjoy creating movies that push the boundaries of imagination and challenge our perception of reality,” ani Ruben. “Besides, it’s a role that I’ve never done before,”dugtong niya.
Hindi naman niya ikinaila na sobra siyang na-challenge sa pagco-coproduce ng pelikula.
“It’s a very difficult film to produce because it’s heavy on visual effects. We also featured amazing Italian landscapes. We shot also in different scenic spots in the Philippines,” bulalas niya.
Hirit pa niya, makabuluhan daw ang mensahe ng pelikula.
“Artificial intelligence is changing our world as virtual reality permeates our lives. We are losing touch with what really matters… real and meaningful human relationships. The film is about the danger of our modern technology, the peril of spending too much time in the virtual space that poses a threat to weak and lonely people,”paliwanag niya.
Tampok din sa cast sina Alexa Ocampo, Sahara Bernales, Asia Galeotti, Luca Biagini at Andrea Dugoni.
Pagkatapos ng theatrical release sa Pilipinas sa Oktubre 15, nakatakda ring ipalabas ang pelikula sa Italya, India at iba pa.
Si Ruben ay nagwagi bilang best actor sa World Premieres Film Festival noong 2015 para sa pelikulang “Of Sinners and Saints.”
Nanalo rin siya ng international acting awards para sa nabanggit na obra bilang best actor sa 2015 World Film Awards sa Indonesia, International Independent Film Awards at Honolulu Film Awards sa Estados Unidos noong 2016, Indian World Film Festival sa India, Los Angeles Independent Film Festival Awards sa Estados Unidos noong 2017.
Taong 2019 naman ng makopo ng kanyang dark comedy feature na “The Spider’s Web” ang best feature film at best ensemble acting awards sa Olympus Film Festival sa US at best director award sa International Independent Film Awards.
Tinanghal din siya bilang best director sa Asia Pacific International Filmmaker Festival and Awards noong 2020 para sa “The Spider’s Web” at Global India International Film Festival sa India noong 2022 para sa “Of Sinners and Saints.”
Bukod sa pagiging aktor , isa ring singer-composer si Ruben.
Si Soriquez ay napamahal sa mga Pinoy nang gampanan niya ang papel ng padrasto ni Liza Soberano sa seryeng “Dolce Amore”.
No comments:
Post a Comment