By Archie Liao
Aminado si LA Santos na niligawan niya noon ang co-star na si Kira Balinger. Crush daw kasi niya ang aktres at isa ito sa pinapantasya niya noong mapanood sa mga pelikula at teleserye.
"Yes po, alam din naman po iyon ni Kira," bungad niya. Gayunpaman, binasted daw siya ng aktres. "Ano po, nabasted nga po ako," matipid niyang salaysay.
Hirit pa niya, hindi raw naman sumama ang loob niya sa dalaga. "Wala na po iyon.Na-realize ko na dapat na magpokus ako sa aking career at marami pa rin po kasi akong tatahakin,but we are still close friends,"pahayag niya. Naging inspirasyon din daw ang 'pambabasted' sa kanya ni Kira para pagbutihin niya ang kanyang trabaho.
"Na-realize namin na siyempre hindi pa puwede noon kasi pareho pa kaming may hinahabol na pangarap," ani LA." Personally, ginawa ko naman iyong part ko. Pero siyempre may mga bagay na ganoon na di puwede talaga at malaking bagay na nandiyan ka lang sa isang tao,"dugtong niya.
Pagbibiro naman niya, hindi raw naman porke't nabasted siya ay isinara na niya ang posibilidad ng muling panliligaw kay Kira in the future.
"Siguro someday, why not?," hirit niya.
Sina LA at Kira ay tampok sa pelikulang "Maple Leaf Dreams" kung saan gumaganap sila bilang OFWs na nagtratrabaho sa Canada sa kagustuhang matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang mga pamilya at mabigyan sila ng magandang buhay sa Pinas.
Ani LA, bilang paghahanda raw sa kanyang role bilang Macky, isang restaurant manager, nag-immerse raw sila at nakisalamuha sa mga Pinoy na nagtratrabaho roon.
Mula sa produksyon ng 7K Entertainment, Lonewolf Films at Star Magic, at sa direksyon ng de-kalibreng director na si Benedict Mique (ML, Lolo And The Kid, Monday First Screening), ang "Maple Leaf Dreams " ay isa sa mga kalahok sa full-length film category ng Sinag Maynila Film Festival na mapapanood na sa mga piling sinehan mula Setyembre 4 hanggang 8.
Ang pelikula ay sumasalamin sa tunay na kalagayan ng Pinoy OFWs sa Canada at batay sa naging karanasan ng direktor. Ang nasabing highly anticipated drama ay magkakaroon din ng wide theatrical release simula sa Setyembre 25. Tampok din sa pelikula sina Snooky Serna, Ricky Davao at Joey Marquez at marami pang iba.
No comments:
Post a Comment