Thursday 8 March 2018

Yassi Pressman, thrilled to be in the limelight with her idol, Sarah Geronimo


By Archie Liao

Idol ng emerging dance sweetheart na si Yassi Pressman ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Kaya naman, isang karangalan sa kanya na makasama ito sa limelight kahit man lang sa entablado. 

Nangyari ito nang magkaroon sila ng dance showdown sa nasabing musical variety show kung saan ipinamalas niya ang kanyang galing sa pagsayaw at pag-indak sa saliw ng musika ni JLo. 

“Bata pa lang ako, nanonood na ako ng ASAP lagi and that was one of the stages na akala ko kahit kailan hindi ko matutuntungan,” aniya. “Sobrang honored din po ako dahil kasama ko ang idol ko pong si Ate Sarah. Iyong makasama siya sa isang production number, malaki na po siyang honor para sa akin,” dugtong niya. 

Ayaw namang isipin ni Yassi na nakikipagkumpentensiya siya kina Maja at Kim pagdating sa paghataw sa pagsayaw. 

“Hindi naman po ako sumasayaw po to compete. Basta, gusto ko lang pong magpasaya ng tao,” sey niya. 

Flattered din siya sa naging komento ng “Ang Pambansang Third Wheel” direktor niyang si Ivan Andrew Payawal na malaki ang potential niya sa pagpapatawa. 

 “Alam ko pong corny akong tao. Alam kong baduy talaga akong tao. Noong sinabi nga sa akin na rom-com ang gagawin ko, sabi ko, matawa kaya sila sa akin? So, ang mga tao po ang makakasagot noon,” pahayag niya. 

Kahit, wholesome at sweet ang image, hindi naman tuluyang naniniwala si Yassi na dahilan ito para malimitan ang kanyang mga roles niya sa pelikula man o telebisyon. 

“In a way, maybe, pero sa ngayon kasi, sobrang suwerte naman ako sa mga projects na napupunta sa akin,” esplika niya. 

Katunayan, willing din daw siyang subukan ang mga gritty roles na hahamon sa kanyang kakayahan bilang aktres. 

 “Open naman po ako, basta doon po ako maggro-grow as an artist,” pakli niya. 

Willing din siyang lumabas sa indie films o kahit sa mga pelikulang may temang pang-LGBT. 

 “Ako naman po. Ayoko pong nagdi-discourage tayo ng mga tao whether you’re gay, lesbian or bi o anuman ang sexual orientation ng tao. I respect you for what you are and what you want to do with your life,” hirit niya. 

Speaking of her teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano”, hindi raw siya worried na mabawasan ang exposure niya sa nabanggit na toprating TV show sa pagpasok ng mga bagong miyembro ng cast. 

“Iyong mapabilang ka lang sa cast ng “Ang Probinsyano”, sobrang-sobra na po iyon. Lahat po ng opportunities na naibigay sa akin ni Sir Deo (Endrinal) at ng Dreamscape, sobrang-sobra po and I can’t ask for more,” ani Yassi.

 Hindi rin daw big deal kay Yassi kung may pumasok na bagong leading lady si Coco na magiging ka-love triangle niya sa bago nitong kuwento. 

“Okey lang po sa akin. It’s not my house. I’m just following the story and I’m lucky enough na siyempre ako ang napili. Lahat po ng nangyayari sa kuwento, nirerespeto namin,” pagwawakas niya. Ang 

“Ang Pambansang Third Wheel” ay kasalukuyang palabas na sa mga sinehan sa buong bansa. Kasama niya rito ang Kapamilya acoustic heartthrob na si Sam Milby. Nasa supporting cast din sina Alonzo Muhlach, Sam Pinto, Al Tantay, Cholo Barretto at Candy Pangilinan. 




No comments:

Post a Comment