Wednesday 21 March 2018

Barbie Forteza and Derrick Monasterio Balik Tambalan Para Sa Pelikulang Almost A Love Story


Ilang beses nang nagtambal sa teleserye ang love team na DerBie - Derrick Monasterio and Barbie Forteza. Sino ba ang hindi kinilig sa mga top rated nilang show kagaya ng Tween Hearts, Luna Blanca at Half Sisters. Malapit na rin sila mapanood  sa bago nilang TV series na Inday Will Always Love You.

Dahil sa pagsasama nila sa soap ay muntik na palang magka debelopan ang dalawa. Niligawan ni Derrick si barbie at muntik-muntikan na pala siyang sagutin ng dalaga pero hindi nagwork kaya ayun Almost A Love Story ang peg ng dalawa.

"Nanghihinayang ako. Andun na halos, ilang porsyento na lang, kami na sana. Sayang pero malay natin sa ibang panahon, " pahayag ni Derrick.

Natatawa si Barbie habang binabalikan yun time na panliligaw ni Derrick sa kanya.

"Nararamdaman ko na seryoso siya sa panliligaw pero mga bata pa kami noon masyado. Ang importante ngayon ay malapit na malapit kami sa isa't-isa iyong komportable ako sa kanya. Super close kami ni Derrick kaya pag may eksena sa pelikula na super sweet dapat kami ay effortless sa amin. Wala na yun nagkakahiyaan kami," pagkukuwento ni Barbie.

Nag-shooting ang Almost A Love Story sa Salento, Italy sa may Tricase bale parte ng Southern Italy noong December bago mag Pasko last year.

Siniguro ng bumuo ng pelikula na kikiligin at mapapaluha sila sa kuwento ng karakter nina Barbie at Derrick. Plus factor  ang napakagandang lugar ng Salento na backdrop sa pag-iibigan ng dalawang bida. Ginastusan ng BG Productions International ni Baby Go ang Almost A Love Story.

Tatalakayin ng pelikula ang long distance relationship na namagitan sa magkababata na sina Baneng at Luigi. Naging tulay ang inang OFW ni Baneng played by Lotlot De Leon na siyang nag alaga kay Luigi sa Italy sa pag-iibigan ng dalawa. Sa istorya kapwa may inclination sa art at nagpipinta sina Barbie at Derrick. Magiging fairy tale na ba ang nakakakilig na pagmamahalan ng dalawa?

Handog ng BG Productions International sa pakikipagtulungan  ng Salento Cinema of Italy at GMA-7 at distributed by Regal Films ang Almost A Love Story na mula sa panulat ni Onay Sales at sa direksyon ng award winning director na si Louie Ignacio. Bukod kina Barbie, Derrick at Lotlot, kasama rin sa pelikula sina Ana Capri at Matet De Leon. Mapapanood ang Almost Love Story sa mga sinehan simula April 11 2018.









PHOTOS TAKEN AT ALMOST A LOVE STORY GRAND PRESS CONFERENCE









No comments:

Post a Comment