Thursday 22 February 2018

Tom on his significant other : “She completes me”


By Archie Liao


Importante para kay Tom Rodriguez ang magkaroon ng significant other na siya niyang inspirasyon sa buhay. 
 “It pays to have an inspiration. Siya iyong nagiging inspirasyon mo sa trabaho mo, sa buhay mo. Someone you want to grow old with. Someone you want to spend your life with,” ani Tom. 

Kapag daw nahanap mo na ang katuwang na ito sa buhay mo, nakapokus ka na rito at ito na ang paglalaanan mo ng panahon. 

 "She is someone na naglalaan ka hindi lang ng emotional investment, kundi pati na ng time mo. Iyong bond ninyo grows as you grow with her. Dahil dito, minsan, may tendency na makalimutan mo na ang sarili mo. Call it selfless, pero that’s what love is all about naman,di ba?” paliwanag niya. 

Hindi naman niya ikinaila na ang significant other na ito ay ang Kapuso aktres na si Carla Abellana. 

“Yes, she’s Carla. She’s my significant other. She completes me,” sey ni Tom. 

Isa pang naa-appreciate ni Tom kay Carla ay ang pagiging supportive nito sa kanyang career, mapa-showbiz man o hindi. 

“Gusto niya akong mag-grow. Hindi lang as an actor or a painter. Kasi, one time, I told her, sabi ko, gusto kong gumawa ng video games. Tapos, the next day, meron na siyang list ng video game developers sa Philippines na gusto niyang pagpilian ko, so, ganoon siya ka-supportive sa akin,” kuwento niya. “Hindi siya madamot kasi, ini-encourage niya kung ano ang hilig ko, kung ano ang endeavors ko,” dugtong niya. 

 Inamin din ni Tom na sa punto ng kanilang buhay ay napag-uusapan na nila ni Carla ang paglagay sa tahimik. 

“Yes, we want to take things to the next level, kaya lang nag-iipon pa ako. That’s why I am working hard. I’m trying to diversify , hindi lang sa showbiz kundi sa iba pang endeavors para may fallback din ako in the future,” paliwanag niya. 

Sa edad naman niya na 30, may pagkakataong naiinggit siya paminsan-minsan sa mga kaibigan at kakilalang natagpuan na ang glorya sa pagpapakasal. 

“There’s no question na siya iyong babae that I eventually want to settle down with. In fact, kung financially ready na ako, magpro-propose ako sa kanya ngayon. Ayaw lang naming madaliin kasi, gusto naming handa na kami sa lahat, emotionally, mentally and financially. Besides,last year lang din, namatay ang Dad ko,” paliwanag niya. 


 Aware rin kasi sila ni Carla na may cons ang pag-aasawa nang maaga. Maaga kasing nag-asawa ang mga magulang ni Carla na nauwi rin sa paghihiwalay. 


“We don’t want it take it lightly kasi may mga personal experiences na kami. Dati, naisip namin na sa Europe mag-settle down, but Carla wanted it here. I’m just hoping that it will happen very soon,” pahayag niya. 

 Sa ngayon, kayod-marino si Tom dahil goal nito na maipagpatayo ng bahay si Carla at ang kanilang magiging pamilya kung sakali. Puring-puri naman ni Tom ang kanyang dalawang leading ladies sa pelikulang “The Significant Other” na kasalukuyang palabas na sa mga sinehan. 

“Si Erich, very secured siya. Confident siya sa ginagawa niya at nagtutulungan kami sa mga eksena. Si Lovi naman, intense siya. Nagkasama na kami sa teleserye sa GMA kaya gamay na namin ang isa’t isa. Good thing din na magkaibigan kami kaya kumportable na kami sa isa’t isa although kapag may mga love scenes, minsan, nagkakagulatan pa rin, but, I think, it’s part of the experience especially that this is my first time to work with Direk Joel Lamangan,” pagwawakas niya. Sinabi rin ni Tom na never pa raw siyang namangka sa dalawang ilog tulad ng kanyang karakter sa pelikula dahil siya raw iyong tipong ‘one-woman man’ na faithful sa kanyang partner. 

Ang “The Significant Other” ay kuwento ng magkaibigang fashion models na sina Nicole (Erich) at Maxene (Lovi) na mai-involve at magiging magkaribal kay Edward, (Tom), isang matagumpay na plastic surgeon. Mula sa produksyon ng Cineko Films at Star Cinema at sa direksyon ni Joel Lamangan, tampok din dito sina Dina Bonnevie at Snooky Serna.



No comments:

Post a Comment