Thursday, 22 February 2018

Snooky says she can relate to the controversial slapping incident between Erich and Lovi




 By Archie Liao
 
 
Nakaka-relate si Snooky Serna sa ‘sampalan issue’ nina Lovi Poe at Erich Gonzales sa pelikulang “The Significant Other” na palabas na sa mga sinehan. 
 “Actually, naranasan ko na rin siya. Noong time na may mga ginagawa akong pelikula sa Regal, hindi lang kay Maria, may mga ganoong insidente rin. Minsan kasi, kapag intense ang eksena, nadadala ka. Hindi maiiwasang magkasakitan kayo. Tapos, ang director mo pa si Direk Joel,” sey ni Snooky. 

Ang nangyari raw kina Lovi at Erich ay bahagi lang daw ng trabaho ng pagiging artista. 

“Sometimes kasi, nire-require ng director na maging realistic ang eksena. Kami naman, as actors, gusto naming maging cooperative, kaya sinusunod namin ang director at saka kami namang mga artista, nag-uusap naman kami bago ang ‘take”,aniya. 

Naalala raw niya noon ang insidente nang magkapisikalan sila nina Jennylyn Mercado at Rio Locsin sa teleseryeng “My Faithful Husband” kung saan ginampanan niya ang papel ng ina ng pinipindehong si Dennis Trillo. 

Ito raw iyong time na nadiskubre niya na nangangaliwa ang asawa ng kanyang anak kung saan hinarap niya si Jennylyn at ipinahiya sa publiko. 

To the rescue naman daw sa nasabing eksena ang nanay ni Jennylyn na ginampanan noon ni Rio Locsin. 

“Minsan, you can not help it, lalung-lalo na kapag naki-carried away ka sa karakter mo,” pakli niya. 

Pinatotohanan naman ng aktres na nasaksihan niya mismo ang sampalan nina Lovi at Erich sa set ng “The Significant Other.” 

 “Talagang nagkasakitan sila. Tapos, paulit-ulit pa iyong takes, so paulit-ulit din iyong sampal, so medyo na-shocked kami, pero I’m glad na okey na sila,” paliwanag niya. 

Ayon pa kay Snooky, bilib daw siya sa professionalism nina Lovi at Erich. 

“Akala namin, mapa-pack up iyong shooting pero, dahil nakiusap iyong producer, tuloy pa rin. After the scene,medyo nagpahinga muna sila, tapos, nakita naming nag-reconcile na,” hirit niya. “Tapos, nag-resume ang shoot na parang walang nangyari. So, doon ka bibilib sa professionalism nila,” pahabol niya. 


Ayaw naman niyang magbigay ng kanyang panig kung kanino ba siya kampi sa naturang insidente: kung kay Erich ba o Lovi. 

 “Iisa ang manager namin ni Lovi then, I play Erich’s mother in the movie, so, I guess, pareho lang dapat silang i-commend for being real troopers,” deklara niya. 

Masaya naman si Snooky dahil in good terms na siya sa kanyang ex na si Ricardo Cepeda at sa partner nitong si Marina Benipayo. 

 Thankful din siya kay Marina dahil inaalagaan nito ang ex at tanggap pati ang mga anak nila ni Ricardo na sina Samantha at Sachi na kapag weekends ay sa piling nga mga ito nag-i-stay. 

Happy din siya sa kanyang pananampalataya at sa kanyang love life at ito raw ang sikreto kung bakit ‘blooming’ ang beauty niya. 

“When you’re at peace with the world, everything else follows. Pag maganda ang aura mo, maganda rin ang mundo mo,” pagwawakas niya. 

 Tampok sa “The Significant Other” sina Tom Rodriguez, Lovi Poe at Erich Gonzales. Kasama rin sa cast ang co-Underage star niya na si Dina Bonnevie. Ito ay sa produksyon ng Cineko Productions at Star Cinema at sa direksyon ni Direk Joel Lamangan.



No comments:

Post a comment