Friday 4 December 2015

Pagmamahalan at Pakikipag-kaibigan Sentro ng Kuwento sa Pelikulang Tomodachi



Sa bagong pelikulang "TOMODACHI" ng multi-awarded director Joel Lamangan at iskrip ni Eric Ramos na pinagbibidahan ng Japanese Actor na si Jacky Woo at young actress na si Bela Padilla ay pag-ibig ang sentro ng kuwento. Isang tunay na pagmamahalan na nabuo sa isang Hapon at Pilipina nuong panahon ng World War III.



Mula sa konsepto ng batikang direktor na si Lamangan na sinulat ni Enrique Ramos ang Tomodachi.Nang ikinuwento ni Direk Joel kay Jacky Woo ang kanyang proyekto ay hindi nagdalawang isip ang Japanese Actor na i-prodyus sa ilalim ng kanyang Forward Entertainment Napag-alaman na paborito ni Jacky Woo ang obrang "Aiste Maze" ni Lamangan. Sa katunayan may personal na kopya ang mahusay na Japanese actor ng nasabing pelikula. 






Sa unang pagsasama nina Woo at Lamangan inaasahan ang mahusay na pagganap sa Japanese actor na minsan ng na-nominate sa Gawad Urian Awards para sa Pinaka Mahusay Na Aktor para sa pelikulang " Walang Hanggang Paalam" na dinirehe ni Paolo Villaluna. Si Direk Joel ay kilala bilang "actor-director", hindi na rin mabilang ang mga artista na naipanalo niya sa iba't-ibang award giving bodies. Kaya kaabang-abang ang akting na ipapamalas ng Japanese actor sa bagong obra ni Lamangan.



Hindi rin matatawaran ang husay ng young actress na si Bela Padilla na first choice ni Direk Lamangan para magbida dito sa "Tomodachi". Si Bela ay nanalo ng Best Supporting Actress Award mula sa Gawad Tanglaw at Famas Awards para sa pelikulang 100 Hours. " Hindi ako nabigo sa ipinakitang husay ni Jacky Woo at Bela Padilla. Si Jacky ay isang seryosong aktor at malalim ang atake niya sa pagganap. Naniniwala ako na mapapansin lalo ang husay niya sa pagganap hindi lamang sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Si Bela, minsan na akong napabilib sa "Felix Manalo" pero dito sa Tomodachi bukod sa napakaganda sa screen at pinakita niya muli ang husay niya sa pag-arte..." pagmamalaki ni direk Joel






Bukod kina Bela at Jacky, kasama rin sa pelikula ang multi-awarded actor na si Mr. Eddie Garcia, Pancho Magno, Hiro Peralta, Jim Pebanco, Lui Manasala, EloraEspano,Sue Prado at ang Japanese actor na si Shin Nakamaru. Isasali sa mga International Film Festival at ipapalabas rin ang pelikula sa Pilipinas  at Japan sa susunod na taon 2016.








No comments:

Post a Comment