Sunday 18 January 2015

Movie Review: Edsa Woolworth

A Filipino woman and her siblings face trials and tribulations as they try and care for their American stepfather. The ties that bind this family go beyond language, race, culture, food, and even blood. Bound by a stubborn affection and the utmost respect for each other, despite their quirks and idiosyncracies – the Woolworth family stick together.

A good heartwarming opening salvo film of Star Cinema that will surely cry your heart out loud. Paniguradong makakarelate ang mga anak na nasa stage ng pag-aalaga ng magulang. Ilang beses akong naiyak sa pelikula,sa ilang mga eksenang sadyang aantig sa iyong mga puso. May mga eksena din na alam mong nangyayari sa tipikal na isang pamilya. Mga suliranin na pinagdadaanan ng isang pamilya. Isang pelikulang magpapakita ng isang matibay na pagsasama ng isang pamilya.

Nagbigay din si Pokwang  ng balanseng timpla sa pag arte mapacomedy man ito o drama. Ako din at nahusayan sa pagganap ni Ricci Chan na ang lalim ng hugot ng emosyon sa ilang mga eksena. Gusto ko din purihin ang amerikanong aktor na si Stephen Spohn sa husay sa pag-arte bilang  isang matanda na may Alzeimer's disease na nagbigay ng puso sa pelikula. Maayos din ang pagkakasulat sa pelikula at may mga linyang tatatak sa manonood. Nagustuhan ko iyong flow ng movie na hindi siya naging serious drama film dahil hinaluan ng romantic angle sa tauhan nina Edsa and Ched Bauer at Boni and Patrick at may comedy pa para as mga hirit ni Poki so hindi ka mabobore while watching this. I also like the heartwarming theme song of the film. So kung gusto niyo maantig ang iyong puso, panoorin niyo ang pelikulang ito at paniguradong mas mamahalin mo ang iyong pamilya pagkapanood mo nito.




My Verdict:  4/5























 

No comments:

Post a Comment