Thursday 16 August 2018

Elora Españo wants to prove she’s more than just a sexy actress



By Archie Liao

Napansin si Elora Españo ng mga kritiko para sa pelikulang “Baconaua”, “Tandem” at iba pa. Bilang isang sexy actress, may mga pagkakataong nakakasama siya sa mga pelikulang may elemento ng sex. Pero ayon kay Elora, ayaw niyang isipin na isa siyang sex symbol. “Nagkataon lang iyon. Hindi naman ako nag-aaudition o gumagawa ng pelikula for the sake of doing love scenes o magkaroon ng nudity sa pelikula,” paliwanag niya. Pinag-usapan din ang kanyang short film na “You, Me and Mr. Wiggles” ni Jay Velasco sa katatapos na Cinemalaya kung saan walang takot na nag-frontal ang 

kanyang kaparehang si Kiko Matos. Ngayon naman, muli na naman siyang magpapakitang-gilas sa pelikulang “Signal Rock” ng master-director na si Chito Roño na ang kabuuan ay kinunan pa sa Biri, Samar, ang hometown ng nasabing director. Ayon kay Elora, kinarir talaga niya na mapasama sa movie ni Direk Chito. “Nag-audition ako tapos meron pa siyang a series of readings. Tapos, twice po ulit ako nag-audition,” aniya. Hirit pa niya, sobrang challenging ang role niya sa nabanggit na obra maestra ng tsinitong director. “I play the role of Rachel, kasintahan ni Intoy played by Christian 

(Bables). Tungkol siya sa isang typical Filipina na probinsyana na nangangarap na magkaroon ng magandang buhay so basically umalis siya sa isla” kuwento niya. Nagpapasalamat din daw siya sa oportunidad na makatrabaho si Direk Chito. “Sobrang thankful ako kasi si Direk Chito ay very actor’s director . Pag nagtanong ka sa kanya, sasagutin ka niya at iga-guide ka niya sa paggawa mo ng karakter,” ani Elora. Hindi rin big deal para kay Elora ang pumping scenes niya with Christian in the movie. “Trabaho lang siya para sa akin. Nagawa ko na rin naman siya sa mga ibang pelikula ko,” bulalas niya. Nilinaw din niya ang misconception na ‘terror’ na director si Direk Chito. 

“Mali iyong sinasabi nila na ‘terror’ siya. Ang tingin ko lang diyan, hindi naman magagalit ang director mo kung ginagawa mo ang trabaho mo. Actually, si Direk Chito ang type na director na very supportive sa craft ng kanyang mga actors,” paliwanag niya. Nakaka-relate rin daw siya sa kanyang character dahil may konting pagkakahawig sila sa tunay na buhay. “Masasabi ko na ako rin ang sumusuporta sa family ko ngayon .I’m independent . Iyon siguro iyong nakaka-relate ako,” deklara niya. Klinaro rin niya na hindi isang poverty porn ang pelikula. 

“Ilayo natin siya sa pagiging poverty porn, kasi kapag poverty porn, may ini-exaggerate. May purpose sila kung bakit in-exags na wala naman sa pelikula,” bulalas niya. Bukod kay Christian, kasama rin ni Elora sa “Signal Rock” sina Nanding Josef, Mara Lopez, Francis Magundayao, Daria Ramirez, Arnold Reyes, Sue Prado, Keana Reeves, Mon Confiado, Ces Quesada, at Lee O’Brian. Mula sa produksyon ng CSR Productions at Regal Entertainment, palabas na ito sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa. 





No comments:

Post a Comment