Saturday, 11 August 2018

Adrianna So says she’s in good hands with Idea First




 By Archie Liao

Humahataw na ang career ng dating Artista Academy alumnus na si Adrianna So, dating Malak So) mula nang magdesisyon siyang magpalit ng pangalan. Sa aking panayam, ipinaliwanag niya kung bakit naisipan niya ang pagbabagong-bihis. “Actually, dati sa TV 5, I wanted to change my name pero at the same time, hesitant pa ako. Desisyon ng mga bosses na iyon ang gamitin ko kasi reality show naman ang sinalihan ko. Kaso, people would remember me with a difficult name. Tapos, nasabi ni Direk Jun, na meron silang naisip. Sila iyong nag-collaborate.So, I decided to change my name. Parang feeling ko, para hindi rin masculine.


They came out with Adrianna So. I liked it that’s why I chose it.Parang start na rin siya of something new,” paliwanag ni Adrianna Kasabay sa pagpapalit ng kanyang pangalan ay bumongga ang kanyang career sa ilalim ng The IdeaFirst Company na pagmamay-ari ng mag-asawang Perci Intalan at Jun Lana. “Straight out of college I signed up with TV5 from Artista Academy. Sobrang love ko rin naman ‘yung TV5, but after my contract expired, there wasn’t any jobs available for us. It just so happen that Sir Perci was my boss in 2012. And then we talked about it. Then wine-weigh ko kung saan ‘yung pag nag-work ako ‘yung masayang-masaya ako at magaan ‘yung loob ko. So, talagang Idea First iyon. Siyempre excited ako. Finally, ito ‘yung family na super comfortable ako. So, I’m happy,” kuwento niya. Ayon pa kay Adrianna, alagang-alaga siya ng IdeaFirst kaya masaya siya sa takbo ng kanyang career. 


“Hindi ako nawawalan ng projects. Pati iyong mga sponsorships at iyong outside na raket, sila iyong bahala sa akin. I couldn’t ask for more,” hirit niya. Thankful din siya sa pagbibigay sa kanya ng break ng mag-asawa sa pelikulang “Distance” kung saan napansin ang kanyang galing bilang girl crush ng lesbyanang si Therese Malvar. Happy din siya sa magandang feedback ng kanyang performance sa “Distance” kung saan may kissing scene siya kay Therese. “First time kong girl ang ka-kissing scene ko. So, iba iyong challenge sa akin,” bida niya. Kasama rin siya sa “Ang Babaeng Allergic sa WiFi” kung saan ginagampanan niya ang salbaheng role. “Medyo villain ang role ko sa “WiFi”. Ibang-iba siya sa Cinemalaya movie,” pakli niya. Dagdag pa ni Adrianna, enjoy siya sa pagganap ng mga kontrabida roles. 

“Nagsimula naman ako as a villain at doon ako kinukuha. Mas gusto ko siya. Parang hindi rin naman bagay sa akin ang kawawa, o inaapi o umiiyak palagi. So far, comfortable naman ako sa ganoon,” deklara niya. Hindi pa rin daw niya nakikita ang sariling sasabak na sa pagpapaseksi. “Depende kasi iyon sa project. Sa ngayon medyo limited pa ang sexiness pero depende din siyempre sa story. Wala pa akong final word doon. 


Kasi sa akin, importante na mabasa ko muna ang story,” ani Adrianna. Bukod sa paglabas sa mga kontrabida at supporting roles, malapit na ring mapanood si Adrianna sa TV series na “The Orbiters” na idinidirek nina Doms Lim at Miko Livelo. “It’s actually a romcom. Iba rin iyong role ko. Kasama ko si Cedrick Juan dito. Medyo good girl na ang role ko at hindi na villain. Nakakapanibago ang feeling pero happy ako dahil sa magandang opportunities na ibinibigay sa akin ng IdeaFirst,”pagwawakas niya.




No comments:

Post a Comment