Wednesday, 10 December 2025

Marvin Diamante, 2024 Mister International, Handang Pasukin ang Showbiz

 

Ang 25 years old hunk and 2024 Mister International na si Marvin Diamante handang- handa na pasukin ang mundo ng pag aartista. 

Kilala ang pangalan ni Marvin Diamante sa mundo ng pageantry at bago matapos ang taon ay handa na nga ang binata na pasukin ang mundo ng showbiz. 

Single pa si Marvin at "NO GF" ang 5"10 hunk na madalas umanong umaarte lamang sa harapan ng salamin. 

Graduate ng Business Management sa University of Perpetual Help Biñan Campus ang binatang mula sa Cabuyao, Laguna. Naging kaklase pa ng aktor na si Ronnie Alonte. Sa kasalukuyan ay abala ang binata sa kanyang sariling business na coffee shop sa Cabuyao, Laguna na may business nane na CAMP COFFEE na madalas ay siya mismo ang nagseserve. 

Minsan na din siyang napabilang sa pelikula na entry din noon sa MMFF na "HERE COMES THE GROOM". Napanood din siya sa isang segment ng It's Showtime na "EXPECIALLY FOR YOU", SPINGO, FAMILY FEUD, at TIKTOCLOCK.

Nafeature din si Marvin sa RATED K kung saan ay nagkaroon pa ng pagkakataon na nakapanayam ng mahusay na journalist na si Korina Sanchez para sa kwento ng mga Pageant Kings. 



Sa kasalukuuan ay tinututukan ni Marvin ang ilang paghahanda bilang artista at kabilang na dito ang pag aalaga sa kanyang katawan at ang pangako na makapag acting workshop. 

Ilan lamang sina Daniel Padilla at Enrique Gil sa mga tinitingala ni Marvin na aktor sa bansa, nais din niyang magkaroon ng pagkakataon na makatrabaho ang aktres na si Sanya Lopez. 

Pinangarap na noon ni Marvin na mapabilang sa seryeng ENCANTADIA at sa katunayan ay kahit aniya talent sa naturang serye ay papatulan niya. 

Matangkad, gwapo, matalino at may pagsisikap ang napaka humble na si Marvin Diamante. Kaya naman tiyak na marami ang maeexcite dahil by next year ay may mga naka lineup ng mga proyekto sa kanya at hindi lang  kundi maging sa pelikula.


No comments:

Post a Comment