By Archie Liao
Pumapasok na sa third quarter ng taon pero ayon sa industry observers ay wala pang pelikulang Pinoy na masasabing kumita sa takilya.Below as expected din ang kinita ng isang romantic movie na nagtampok sa isang tambalan in terms of worldwide gross.Kung tutuusin, mas humahataw pa nga ang teatro at concerts pagdating sa local entertainment scene.
May mga nagsasabi namang malaking factor ang pag-usbong ng iba't-ibang online streaming platforms kaya apektado ang kita ng mga pelikula sa mga sinehan.Para naman sa multi-awarded actor- director at Philstagers founder at CEO na si Vince Tanada, masaya siya sa pamamayagpag ng teatro."Sa akin naman, nagsimula lahat ng iyan.
With all humility, I can say that I have mastered the marketing of theater already. I am glad that they are following my footsteps. I am happy na nakikita nila ang commercial viability ng theater," aniya.Wine-welcome rin niya ang pagpasok ng bagong players sa larangan ng entablado." Hindi ako nagagalit. The more, the merrier. I am for co-existence.
They are making theater much alive. Dati kokonti lang kami tapos pumapasok na rin sila.So, I am happy for them," paliwanag niya.Nagbigay din siya ng kanyang opinyon kung ang teatro na ba ang bagong kagigiliwan ng masa kumpara sa TV at pelikula." We have reached the golden age of Cinema. Kapag na-achieve mo na iyon. Even iyong free TV, iyong panahon ng Dos, iyong network wars ng ABS-CBN at GMA-7, you will go back to the basic. Babalik at babalik ka kung saan nagsimula ang lahat ng ito. Ang TV, ang film, performing arts siya. Saan siya nagsimula? Sa teatro," esplika niya."
So, iyon ang nakikita ko that everything in this world is a cycle. Iikot lang ang mundo pero babalik pa rin siya sa basiko. That's why there are a lot of producers who are now venturing into theater, " pahabol niya.Masaya naman si Vince dahil soldout ang 3-in-1 Pride plays ng Philstagers na ipinalabas sa PSF Blackbox Theater sa Balic-Balic, Sampaloc, Manila noong Hunyo 28.
Tampok dito ang" Moment to Moment" niVince Tanada na pinagbidahan nina James Ramada, Awin Valencia at Renee Escurel,"Good Night, Love" ni JP Lopezwith Oj Arci and Gerald Magallanes as lovers at "3 Men On An Island" ni Jrey Rivas with VR Relosa, Fidel Redado, Ken Intano, Rajja Mater, Renz Saavedra and Marina Esperida in the cast.Sa ngayon ay naghahanda na ang Philstagers sa restaging ng Bonifacio na malapit nang mapapanood sa iba't-ibang bahagi ng kapuluan.
No comments:
Post a Comment