Friday, 27 June 2025

25 Abbey hopes to create more original songs

 

BY ARCHIE LIAO

Matagumpay ang ginanap na pagdiriwang ng ika-34 taong anibersaryo ng Inner Voices sa 19 East Bar sa Sucat. Naging front act ang promising young band na 25 Abbey na kinabibilangan nina Alexandra Dheniece, (vocalist), Ronan Bergado (rhythm guitarist and songwriter), Guiseppe David (lead guitarist), Cedric Andal (bassist) at Tyrone Nebiar (drummer).
 

Well applauded ang pag-awit nila ng kanilang mga komposisyon kasama na ang unreleased original song na “Kaytagal.” Ayon sa bokalista nitong si Alexandra Dheniece, lahat sila ay mga estudyante na pinagbuklod ng pagmamahal sa musika.
“We started as a school band. Nag-start siya na parang Battle of the Band. From there, nagtuloy-tuloy na po iyong naging opportunity namin hanggang nakakapag-perform na po kami sa 19 East at sa ibang venues,”ani Alexandra. “We’re all college students. So, pinagsasabay po talaga namin iyong studies namin and singing sa gigs,”dugtong niya.
 

Si Ronan naman na anak ni Rey Bergado, isang matagumpay na abogado at  founder ng Inner Voices ay aminadong dating walang hilig sa musika.



Maituturing din niyang inspirasyon sa pagkahilig niya sa musika ang ama.“I would say that my Dad is my biggest influence. Noong middle grade school po kasi ako, I was not interested in music and guitars. Pero noong pandemic, he bought me a guitar, so doon nag-start ang lahat. He ignited iyong passion ko. So far we are happy na nakakapag-perform na kami,” ani Ronan.
 

Kahit nag-aaral ay nababalanse raw naman nila ang kanilang oras sa pagpe-perform sa gigs at pagpasok sa iskul ayon kay Giuseppe.  “I think, it’s a matter of time management lang po,”ani Guiseppe.

Iba naman ang karanasan para sa pinakabagong miyembro ng grupo na si Tyrone sa pagkakasama niya sa grupo. “Ako po iyong pinakabago. Very blessed po ako to be able to work with great people. It’s a compliment for me to be with them,"ayon kay Tyrone. Ipinaliwanag din ni Alexandra kung saan nanggaling ang pangalan ng kanilang banda.
 

“Way before, Benedictine Abbey po talaga ang name ng San Beda Alabang. Tapos iyong 25 iyon iyong number ng place ni Ronan kung saan po kami nagpra-praktis. Iyon po ang story behind it,” sey niya. Iba namang klase ng "high" ang nararamdaman ni Cedric every time na nagpe-perform sila. “It’s actually the experience that we are able to share our kind of music,” bulalas niya.


 


Sumang-ayon naman dito si Ronan. Ayon pa sa kanya, teamwork ang nagdadala sa kanilang grupo.  Wala rin daw puwang ang ego sa 25 Abbey. 
 

“Sa amin, pantay-pantay kami, walang ego. It's all about teamwork, "giit ni Ronan. It’s never really for a show. It’s just that we want po to establish connection with the people we want to share our music with. We don’t really play to impress but to express our kind of music,” pahabol niya. 
 

Wish naman ng grupo na mai-release ang kanilang original songs.  "Sana nga po,ma-release Iyon din po ang pinagpri-pray namin," ani Alexandra Dheniece. "We also hope to create more original songs," pagtatapos niya. 
 

Bukod sa 19 East ay nakapag-perform na rin ang 25 Abbey sa iba’t ibang venues tulad ng Hard Rock Café, 12 Monkeys at iba pa.  Speaking of “Inner Voices”, inilunsad na rin kamakailan ang bago nilang OPM songs na tiyak na kagigiliwan tulad ng "Sayaw sa Ilalim ng Buwan," "Saksi ang mga Tala," at "Handa na Kitang Mahalin" na makakasama sa kanilang upcoming album na nagtatampok din sa hit singles na "THAL (Tubig, Hangin, Apoy, Lupa)," "Idlip," "Galaw," at "Meant To Be."
Ang mga miyembro ng Inner Voices ay sina Patrick Marcelino (vocalist), Rene Tecson (guitarist), Alvin Herbon(bassist), Joseph Cruz (keyboardist), Joseph Esparago (percussionist) at Rey Bergado(founder).

No comments:

Post a Comment