Friday, 8 November 2024

Christine does not mind playing support to Yen

 

By Archie Liao

Nakapagbida na ang VMX sex siren na si Christine Bermas sa mga pelikulang Scorpio Nights, Island of Desire, Moonlight Butterfly at marami pang iba. Gayunpaman, hindi big deal para sa kanya na suportahan ang co-star na si Yen Durano sa pelikulang "Celestina: Burlesk Dancer" na idinirehe ng magaling at award-winning director na si Mac Alejandro mula sa iskrip ng National Artist na si Ricky Lee.

"First time ko pong maidirek ni Direk Mac at nasa bucket list ko po talaga na makatrabaho siya,"bungad niya." Ako naman I don't mind supporting Yen kasi iyong role ko is equally important doon sa karakter at journey ni Yen as Celestina, " dugtong niya. Hirit pa niya, sobra rin daw siyang na-challenged sa kanyang papel sa nasabing period movie.

" I play the role of Rosalinda na tumulong kay Yen na maging burlesk dancer sa isang teatro noong panahon ng Hapon, "aniya. Bilang paghahanda sa kanilang roles, sumailalim daw sila sa workshop sa ilalim ng isang tunay na burlesk dancer. Dagdag pa niya, nakatulong daw na dating miyembro siya ng isang dance group kaya naitawid niya ang kanyang role. " Siguro, isang advantage lang ay galing ako sa isang all-girl dance group. Pero kahit na may experience na ako sa dancing, nahirapan din ako," lahad niya. " Para sa akin, pinaka-challenging iyong habang nagsasayaw ka ay umaakting ka at nagpapakita ng iba't-ibang klaseng emosyon. Ang hirap pagsabayin noon. But with Direk 's guidance, we were able to put it off, "pahabol niya. Pagbabahagi pa niya, maganda rin daw ang naging rapport nila ni Yen habang ginagawa ang pelikula.

" We really support each other. We became close while doing the movie, "ani Christine. Nilinaw naman niya na hindi niya tuluyang iiwan ang pagpapaseksi. " Actually, depende siya sa material. Kung maganda ang material, why not lalo pa kung sinulat ng ating National Artist, " hirit niya.

Ayon naman kay Direk Mac, kahit period film during Japanese occupation ang kuwento ng pelikula, relevant pa rin daw na maikuwento ito sa kasalukuyan. " Importanteng mailahad ang ganitong mga kuwento sa nakaraan para maihanda tayo sa puedeng mangyari sa hinaharap," paliwanag niya. "Iyong mga nangyayari sa kababaihan noon ay nangyayari pa rin sa mga kababaihan natin ngayon. Pareho sila ng pakikibaka sa magkaibang panahon," pahabol niya. Ang Celestina: Burlesk Dancer ay kuwento ng pakikibaka ng isang babaeng pinasok ang pagbuburles para maitaguyod ang kanyang anak noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa bansa. Ang pelikula na bagamat hitik sa sensuwalidad ay isa ring pagsusuri sa papel ng kababaihan sa isang patriarkal na lipunan.

Tampok din sa pelikula sina Sid Lucero, Arron Villaflor, Aiko Garcia, Allan Paule, Angie Castrence at iba pa. Ang natatanging obra ng tambalang Alejandre at Lee ay mapapanood na sa mga sinehan simula sa Disyembre 4.

No comments:

Post a Comment