Friday, 5 January 2024

Madam Baby Go's BG Productions to go full blast in movie production

 

By Archie Liao

Muling magiging aktibo sa paggawa ng pelikula ang tinaguriang "Queen of Maindie Films" na si Ms.Baby Go.


Katunayan, marami raw balak ang kanyang  kumpanya sa pagpro-prodyus ng iba't-ibang klaseng de-kalidad na mga pelikula.


"May mga naka-lineup na kaming projects. Nakapag-meeting na din kami ng production staff ko. I can confidently say that we are ready to make movies again this year," aniya.


Open din daw siya sa pakikipag-collaborate sa ibang produksyon.
Ibinalita din ng BG Productions executive producer ang collaboration nila ng Borracho Films ni Atty. Ferdinand Topacio para sa pelikulang "One Dinner A Week" na pagbibidahan nina Edu Manzano, Ritz Azul, at Barbara Milano, mula sa direksyon ni Lester Dimaranan. 


Aniya, bet din daw sana niya na mapagsama ang kontrobersyal na couple na sina Kathryn Bernardo
at Daniel Padilla sa isang proyekto.


May comedy din siyang niluluto para sa mga OPM icons na sina Pilita Corrales, Imelda  Papin at Eva Eugenio.

Aniya, bet din daw sana niya na mapagsama ang kontrobersyal na couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa isang proyekto.

 
Muli rin daw niyang bubuksan  ang kanyang BG Showbiz Plus magazine. "Naniniwala pa din ako na may market pa din sa print," aniya.  Sa ngayon, tapos na niya ang pelikulang "AbeNida" na pinagbibidahan ng multi-award at internationally acclaimed actor na si Allen Dizon. Ilan sa award-winning at critically acclaimed films na iprinudyus ng BG Films ay ang "Lauriana", "Lihis", "Homeless", "Sekyu", "Child Haus", "Laut", " Area",  "Siphayo", "Balatkayo", "Almost A Love Story", "School Service" at "Latay."

No comments:

Post a Comment