Sunday 14 January 2024

New PMPC officers bared, esteemed showbiz journalist Rodel Fernando elected president

 

By Archie Liao

Naihalal na ang bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa taong ito. Naganap ang eleksyon nitong Biyernes, Enero 12, 2024 sa opisina ng club sa Roces Avenue, Quezon City.

Naihalal bilang bagong Pangulo si Rodel Fernando, habang Pangalawang Pangulo naman si Eric Borromeo.

Ang iba pang nagwagi sa eleksyon ay sina Jimi Escala (Secretary), Mildred Bacud (Assistant Secretary), Boy Romero (Treasurer), Lourdes Fabian (Assistant Treasurer), John Fontanilla (Auditor), Leony Garcia at Glen Sibonga (Public Relations Officers).

Ang Board Members naman ay binubuo nina Joe Barrameda, Roldan Castro, Fernan de Guzman, Mell Navarro, Rommel Placente, at Francis Simeon.

Nangangako ang pamunuang ito na pangungunahan ng bagong halal na Pangulo na si Rodel na paiigtingin pa ang pagkilos para sa ikauunlad ng club. Asahan din ang mga makabuluhang proyekto na isasakatuparan ng naturang samahan.

Nakatakda namang ianunsiyo sa darating na mga araw ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong opisyales.

Ang PMPC ang namamahala at nag-oorganisa ng taunang Star Awards for Movies, Television, at Music.

No comments:

Post a Comment