Monday, 18 March 2019

Newcomer Uno Santiago wants to make his mark in showbiz


By Archie Liao


Introducing ang guwapo at talentadong newcomer na si Uno Santiago sa pelikulang “Jesusa” na kalahok sa full-length film category ng 5th Sinag Maynila film festival .
Makulay ang buhay ni Uno dahil tulad ni Isko Moreno, oozing din siya with ‘masa’ appeal. Siya ang newest “alaga” ng kilalang talent manager na si Daddie Wowie Roxas. 

Kakatwa rin ang kanyang kuwento dahil kung si Isko na tumatakbong mayor ng Manila ngayong 2019 national elections ay nadiskubre niya sa lamay sa Tondo, kakaiba naman ang kuwento ni Uno na naispatan niya sa isang mall. 

Pagpapatotoo pa ni Daddie Wowie, napakabait na bata ni Uno kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ito.
Paggunita pa niya, si Uno raw ang unang tumulong sa kanya nang minsang nahilo siya sa elevator ng isang mall. Inalalayan daw siya nito at doon niya napansin ang good looks nito na papasa bilang isang artista.

 Katunayan, tinanong daw niya ito kung gustong subukan ang showbusiness.
 Si Uno ay 19 na taong gulang lamang at nagbabakasyon sa bansa mula sa Estados Unidos nang madiskubre siya ng kanyang mentor. Nanirahan siya sa States sa loob ng limang taon at kumuha ng business course. Pero noon pa man pala, gusto na niyang mag-artista subalit walang oportunidad na nagbubukas para sa kanya.

 
Bago mapasabak sa pag-arte, sumabak sa acting workshop si Uno. 

Katunayan, isang karangalan sa kanya na sa unang pelikula niya ay ang magaling at award-winning actress na si Sylvia Sanchez ang katrabaho niya. “Very supportive po sa akin si Tita Sylvia sa mga eksena namin. Inalalayan niya po ako at sinabi niya na huwag daw akong nerbiyusin. Kapag daw nenerbiyos ako, baka raw makalimutan ko po ang mga linya ko at hindi ko mai-deliver kung ano iyong hinihingi sa akin ng eksena,” sey niya. 

Hirit naman ni Sylvia, pasado raw si Uno bilang newcomer at nakikita niya ang passion nito at pagiging pursigido sa kanyang trabaho. 




Si Uno ang unang alaga ni Daddy Wowie sa kanyang pagbabalik sa showbiz bilang talent manager. “I have been inactive in talent management for a long time now. Two years ago, I decided to discover and manage talents again. A lot of aspiring talents came to me but I didn’t like any of them until I discovered Uno by accident in a mall and I learned that his mom, who was a former dancer, was my talent in Alpha Recording Company. I had been praying so hard that I might finally find a new talent. I believe Uno has the potential to make a mark in showbiz. He is tall, good-looking and is very much willing to learn. He is the answer to my prayer. I asked the Lord for a sign if I should go back to talent management and when I saw Uno, I believe I found in him kung ano ang hinahanap ko sa talent na gusto kong i-manage,” paliwanag ni Daddie Wowie.





No comments:

Post a Comment