Thursday, 15 September 2016

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla Tackle Mature Roles For Barcelona: A Love Untold


Daniel Padilla and Kathryn Bernardo star as Ely and Mia, in their most challenging roles to date in 'Barcelona: A Love Untold.'


Kathryn's character as Mia is closest to the millennials.

Kasi si Mia sabi sakin nina Ate Carms na ako daw iyong magrerepresent ng mga millennials na usually iyong mga ka age ko po, madaling sumuko, ang daming doubt sa sarili parang parati silang may mask. Hindi nila pinapakita kung ano talaga ang nararamdaman nila, so nakatulong din siuro na sakto rin po sa age ko so parang nagets ko talaga kung paano si Mia pero hindi namin siya agad natimpla kasi naka ilang revisions din kami before kami nakapunta sa Barcelona, then nung nabasa ko iyong revised script mas naramdaman ko siya. Ang dami ko rin hindi pa siya masyado nagawa before na dito ko lang nagawa like iyong sa mata na kailangan kahit I'm happy kailangan makita pa rin iyong lungkot sa mata ko so katakot takot na motivation iyong ginawa sa akin. Sobrang saya ko kasi, hindi ko nakita si Kathryn sa buong movie na iyon talaga ang gusto namin na dapat makita nila kami as Mia and Ely.







Daniel Padilla on doing mature role for this film

Emotionally hinubaran kami kumbaga in a way na hinubaran na binigay namin ang lahat and talagang binigay namin kay Inang ang lahat. Wala kaming tinago kahit ano, binuksan namin ang sarili
namin para sa kanya and I think iyon ang way para mag work talaga eh. Sabi ni Inang samin noong simula pa lang na mahirap iyong binoblock mo iyong sarili mo and sinunod namin iyong sinabi niya at totoo lagi namang tama si Inang at nag work talaga.
 



 
Director Olivia Lamasan on directing the first kissing scene of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

From the beginning of the project, umupo kami, nilatag namin sa kanila iyong kuwento tapos tinanong namin sila kung ready na ba sila kasi its not for gimmick sake, its part of the story parte ng characters ng gagawin nila sa pelikula so nilatag namin lahat sa kanila iyon at sila
mismo ang sumagot.



Writer Carmi Raymundo on creating the story of the film

Ilang beses kong sinasabi kay Inang na ang hirap hirap isulat nitong material, sa unang tingin akala mo kasi ang simple numg material pero nung pinasok namin iyong character ni Mia parang narealize namin na parang ang hirap kasi and complex ng mga emotion for the age of the characters. Siguro sa preparation a lot of research and ang dami naming kinausap na mga tao, pumunta kami sa Barcelona upang makausap iyong mga tao doon, tapos iyong mga ka age nila iyong mga pinagdadaanan nila and aside from that this project requires a lot of introspection on our part as makers, director, writer, kahit iyong mga actors. Iyong introspection iyong mahirap kasi its asking you to look within na harapin mo rin ang sarili mong mga demons, sarili mong mga pinagdadaanan to be able to come up with the material.

The four also shares their unforgettable experience on doing the film at Barcelona and their take on the first kissing scene of KathNiel on big screen. More of this can be watched below at My Movie World's coverage for Barcelona: A Love Untold Bloggers' Conference





Barcelona: A Love Untold is now showing in 240 cinemas nationwide


PHOTOS TAKEN AT THE BARCELONA: A LOVE UNTOLD BLOGGERS' CONFERENCE






  
More Photos Here


 

No comments:

Post a Comment