Wednesday 19 August 2015

Homeless: An advocacy film about human trafficking featuring Ejay Falcon and Martin Del Rosario




Ipapalabas na ang advocacy film na Homeless na pinagbibidahan ni Ejay Falcon sa August 26. Pero bago ang showing, nagkaroon muna ng special screening sa Robinsons Cinema 1 ang pelikula na dinaluhan ni Ejay at ng iba pang cast ng pelikula like Dimples Romana, Martin del Rosario, Snooky Serna, Ynna Asistio, Mico Aytona, Xixi Maturan at iba pa.


Itinilakay ng pelikulang Homeless ang tungkol sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo sa probinsya at napadpad sa Kamaynilaan na naging biktima ng mga sindikato. Ang pelikulang ito ay magbibigay aral upang tayo ay mamulat sa realidad ng lipunan at magbibigay pag-asa upang makabangon sa ating suliranin kinakaharap.

Maituturing na star studded ang pelikulang ito sa dami ng mga beterano at baguhang artista na kabilang sa pelikula. Maituturing na comeback movie ito para kay Snooky Serna na matagal nating hindi napanood sa pelikula nagpakita ng husay sa pagganap kasama sina Dimples Romana, Xixi Maturan at Ruby Ruiz. Sumabay din sa aktingan sina Ejay Falcon, Martin Del Rosario at maging si Hayden Kho ay naging epektibo bilang kontrabida ng pelikula.

Ang Homeless ay mula sa direksyon ni Neal Tan at mula sa BG Productions International of Ms Baby Go na mapapanood na sa mga sinehan simula August 26 2015.






Cast and Crew of Homeless at the Press Screening





No comments:

Post a Comment