By Ronald Rafer
Itinanggi ni RAYVER Cruz na nag-propose na sya sa longtime gf na si Julie Ann San Jose.
"Hindi pa. Wala pa. Manggagaling naman sa Amin 'yun if ever. Wala pa po talaga." pag-amin ni Rayver na nakapanayam namin sa Aurora Music Festival kung saan guest sya ng GAMEZONE na sponsor ng event sa Clark Angeles Pampanga. Sina Vice Ganda at Manny Pacquiao ang celebrity endosers ng GO AMEZONE.
Syempre pa, si Julie na talaga future wife nya at Wala ng iba .
"Oo naman Wala ng iba. * sey pa ni Rayver
Tatlo ang shows ni Rayver sa GMA; All-Out Sundays, The Clash and Stars On The Floor. Kung mabibigyan ng TV series ay gagawwin pa rin nya.
"Kailangang maraming trabaho para sa future. Kailangang pqghandaan " sey pa rin ni Rayver
Tinalo ni Rayver Cruz ang record ni Manny Pacquiao sa "Ikaw Ang Alas Punching Machine" sa Game Zone Fun Booth Rayver got a score of 859, Manny's record is 782!
Samantala ay nagback out si Sarah Geronimo sa festival kung saan ay Isa sya sa mga performers. Nakita na nga namin Ang pila Ng mga fans nya na excited na muling Makita Ang idol nilang mag perform subalit d na nga yun matutuloy. Health issue daw Ang dahilan. Hindi kaya buntis na si Sarah? Sana nga noh!
Monday, 4 May 2026
Rayver Cruz, itinangging engaged na kay Julie Ann: “Hindi pa, pero siya na ang future wife”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment