Monday, 25 May 2026

“₱7M NA INVESTMENT, FAKE PALA! Pooh, Nanlumo Matapos Ma-test ang Vintage Rings sa Maddox”

 

Walang duda na talagang sinusubaybayan ng celebrities ang mga live selling ng tinaguriang “Queen of Diamond” na si Ms. Charo Cordial ng Maddox Jewelry.

Isa na rito ang komedyanteng si Pooh na nagkuwento na ilang beses na raw siyang nagma-mine sa mga live ni Ms. Charo pero tila hindi siya napapansin.

“Ako, hindi ko alam kung matutuwa ako na napunta ako rito dahil naiinis ako kapag nagla-live ka. Hindi mo nababasa, ‘Pooh the Comedian, mine, mine, mine!’ Hindi mo nababasa.”

Nag-sorry naman si Ms. Charo at ipinaliwanag na dahil sa dami ng pumapasok na messages sa live selling, may mga hindi talaga agad nakikita.
Dahil dito, nagpasya si Pooh na bumisita na mismo sa showroom ng Maddox Jewelry sa Marikina.

Pero hindi doon nagtapos ang usapan. Dala ni Pooh ang ilang vintage rings na ayon sa kanya ay matagal na niyang itinuring na investment—at umaabot umano sa ₱7 milyon ang halaga. Ipina-test niya ito sa Maddox para malaman kung tunay nga ba ang mga alahas.
Dito na lumabas ang nakakagulat na resulta.

Ayon kay Ms. Charo, nang dumaan sa tester ng Maddox, lumabas na silver setting lamang ito at hindi gold, habang ang mga batong inakalang diamante ay zirconia lang umano at hindi tunay na diamonds.

Halos manlumo si Pooh sa nalaman dahil ayon sa kanya, pinagkatiwalaan niya ang pinagbilhan na isa umanong kaibigan at matagal din niyang pinag-ipunan ang naturang halaga.

“Baka hindi ko alam kung ano ang magawa ko. 7M? Tapos ang tagal lang na natutulog do’n sa bahay kasi hindi rin naman ako pala-alahas.”

Payo naman ni Ms. Charo, kapag bibili ng alahas, siguraduhing sa mapagkakatiwalaang seller, may physical store at may kasamang certificate para mas may proteksiyon ang buyer.

Sa gitna ng seryosong usapan, napunta rin ang chikahan sa lovelife ni Pooh. 

Ayon sa komedyante, wala raw siyang karelasyon sa ngayon at mas nakatutok muna siya sa negosyo, kabilang na ang Purple Yum.

Napag-usapan din ang mahabang karera ni Pooh sa industriya at kung paano niya iniiwasan ang offensive na klase ng pagpapatawa—isang disiplina raw na natutunan niya noong panahon niya sa The Library.

Nausisa rin siya tungkol sa pagiging malapit niya sa aktor na si Piolo Pascual. Na biro mo Ms. Charo ay crush niya.

“Good friends, very good friends. Pumupunta ako sa bahay nila. Lumalabas-labas kaming lahat.”

Dalawampu’t tatlong taon na rin sa industriya si Pooh at patuloy pa rin sa pagpapatawa at pagnenegosyo. Nagsimula muna siya sa iba't-ibang networks at 2008 nang maging Kapamilya siya. 

Panoorin pa ang iba nilang mga pinag-usapan sa Facebook ng D' Maddox Jewelry at sa You Tube, Maddo_Jewelry at gayundin sa Tiktok ng Maddox. 

No comments:

Post a Comment