Thursday 9 March 2023

Team Real KimJe stars in the newest fun serye "Team A" on TV 5

By Archie Liao

Muli na namang magpapakitang gilas ang reel at real life couple o TeamReal nina Kim Molina at Jerald Napoles sa pinakabagong fun seryeng hatid ay good vibes. Sa programang may temang “Happy Fam, Happy Life” bibida sila sa "Team A" na handog ng Viva Entertainment, Sari Sari Channel at TV5 . 

Ang "Team A" ay ipapalabas na ngayong Marso 18, tuwing Sabado, 9:30 pm sa TV5 at catch-up episodes sa darating na Marso 19, tuwing Linggo, 9:00 pm sa Sari Sari Channel Cignal Ch 3 Siguradong mapapahalakhak ng Team A ang mga viewers lalo na’t magkakasama ang iba’t-ibang karakter na maraming pasabog na entry tungkol sa mga isyu pampamilya at marami pang iba. 

Ang istoryang ito ay umiikot sa pamilyang Ambida ni Ian (Jerald Napoles), Janet (Kim Molina), at ang kanilang unica hija na si Yeye (Gianna Aguiron) kung saan susubukin ang tibay ng kanilang pagmamahalan sa isa’t-isa lalo na’t umeeksena sa scenario ang nanay ni Janet na si Violeta Bagsic (Yayo Aguila) at ama ni Ian na si Arman Ambida (Anjo Yllana) dala ng pagkakaiba ng kanilang lifestyle at pinansyal na pagpapalaki. Sa comedic tandem nina Jerald and Kim na gaganap bilang mag-asawa sa bagong seryeng ito, maeexcite ka talaga sa bibitawan nilang dialogue at banters ng kanilang mga karakter. Hindi lamang pagpapatawa ang maihahandog ng Team A kundi mag-iiwan rin ito ng mga importanteng mga aralin tungkol sa pamilya na maaaring maka-relate sa mga viewers. 

Ano nga ba ang dapat gawin ng Ambida Family sa parating pagbabangayan ng kanilang mga in-laws? Lalo na’t parating nagpaparinig si Violeta na hindi siya aprubado kay Ian bilang asawa ng anak niyang si Janet dagdagan pa ng di pagsang-ayon ni Arman na maliit-liitin ni Violeta ang kanyang anak na si Ian. Paano kaya mapa pagbati ni Janet at Ian ang kanilang mga magulang at maging magkakampi sa Team Ambida o Team A? Panoorin kung paano dadalhin nila Jerald, Kim, Yayo at Anjo ang kanilang A-game sa bagong comedy series para sa buong pamilya. Makakasama rin sa Team A casts sina Gene Padilla bilang Mon Bagsic, asawa ni Violeta at ama ni Janet; Cindy Miranda bilang Rochelle, isang beauty-queen YouTuber na kapatid ni Janet; Marc Acueza bilang Estong, asawa ni Rochelle na mukhang inosente pero napakayaman; 

Ethan David bilang Jaime Sobel, ang mayabang na kapwa driver ni Ian; at Ashtine Olviga bilang Diane, nakababatang kapatid ni Janet. Kilalanin ang Ambida clan at maghanda ng humalakhak sa kanilang nakakatawang rambulan dahil ipapalabas na ang Team A sa Marso 18, 9:30 pm sa TV5, na may catch-up arings sa Sari Sari Channel (Available sa Cignal Ch. 3) tuwing linggo, 9:00 pm ngayong Marso 19. 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang mga social media pages ng TV5, Viva Entertainment at Sari Sari Channel.
 

No comments:

Post a Comment