Thursday 23 March 2023

Arci Muñoz to do a rom-com in Korea

 By Archie Liao 

Nasa post production pa lang ang pelikula niyang "Kabit Killer" ay nakatakda na namang magsimula ang  tinaguriang “Muse of Philippine Cinema” na si Arci Muñoz ng panibagong proyekto na niluluto niya kasama ang Palanca award winning writer at director na si Njel de Mesa.

Ito ay ang romantic comedy na “Jeju Vu” na isang kwentong set sa South Korea at itatampok ang mga magagandang atraksyon sa Jeju Island. Halaw sa isang lumang script ni Direk Njel de Mesa ang premise ng naturang pelikula. Matagal na itong gustong gawin ni Direk Njel ngunit tila walang tamang pagkakataon para ito ay maisakatuparan hanggang nagsama ang dalawa sa Jakarta. Kapwang Executive Producers at Artistic Directors pa rin ang dalawa sa gagawing proyektong ito.

Katatapos lang ng shoot nila sa Indonesia ng travel and food lifestyle show na “Arci’s Mundo” at nasa isang production meeting nang mapabulalas si Direk Njel na tila nasa isang “Déjà vu” siya. Ito ay isang pagkakataon na kung saan nakakaranas ang isang tao ng pakiramdam na parang nangyari na ang lahat ng ito.  Tila ba’y napanuod niya na ito sa kanyang mga panaginip. Agad naman nagpayo si Arci na: “You are on the right path kapag ganu’n, Direk!”, kwento ng dalawa. Matagal nang gusto ni Arci na gumawa ng pelikula sa South Korea at tila naghahanap lang ang duo ng magandang ideya. Hanggang sa patawang sinabi ni Arci ang mga katagang, “Jeje Vu” na naging dahilan para maalala ni Direk Njel ang hangad nilang gawing pelikula sa SK at napipintong shoot sa Jeju Island. “JEJU VU!” biglang bulalas ni Direk Njel at sa ideyang ito ay kapwang nagtatalon si Arci at Direk wari’y nakahukay ng ginto.

Agad na binahagi ni Direk Njel ang luma niyang script para sa “Doon Lang” na halaw din naman sa kanyang script para sa entablado na “Somnambulism” kung saan may isang babae at isang lalake na sa panaginip lang nagkikita. Sa kanilang pagising ay hindi nila kilala ang isa’t isa at kapwa nilang hinahanap ang isa’t isa. “It was the perfect moment to realize my old script,” ani Direk Njel, “pero medyo we had to revise the script to the specifications ni Arci”. Mukhang pinagsanib pwersa ngang talaga ang creative powers nila Direk Njel at Arci dahil pareho silang credited sa story and concept ng pelikula.

Sa unang dalawang linggo ng Abril sila magsisimula ng prep or pre-production work at magsisimula  naman ang kanilang shooting sa huling linggo ng April 2023. Sa ngayon, hindi pa nila maaaring sabihin ang iba pang makakasama ni Arci sa pelikula dahil hindi pa pirmado ang mga kontrata ng buong cast. Basta’t pangako ng dalawa ay ma-eexcite ang lahat sa kanilang casting. Abangan na lang daw natin sa September ang kanilang premiere, hopefully sa mga sinehan at mga major streaming platforms.

Iba talaga ang creative duo nila Arci at Direk Njel. Tunay ngang Muse of Philippine Cinema si Arci Muñoz dahil lahat nang nakakatrabaho niya ay naiinspire at nagkakaroon ng magandang ideya at gana para gumawa pa nang marami pang pelikula.

 

No comments:

Post a Comment